Home » Buhay Guro » Public School Teachers Proportional Vacation Pay

Public School Teachers Proportional Vacation Pay

Lahat ng empleyado ng gobyerno ay may karapatan sa LEAVE PRIVILEGES. Ang Leave of absence ay isang karapatan na itinalaga sa atin na mga nanunungkulan sa gobyerno sakaling mangailangan tayong lumiban sa trabaho. Ayon sa Omnibus Rules on Leave ( Rule XVI of the Omnibus Civil Service Rules), ang bawat empleyado ay binibigyan ng 15 days na vacation leave at 15 sick leave na may buong bayad. Ang kabuuang 30 days leave na ito ay pwedeng magamit sa loob ng isang taon upang kahit nagkaroon ng absent, hindi mababawasan ang sweldo. Kung di man magamit, ito ay naiipon.

Tayong mga guro ay hindi isinali sa ganitong usual vacation and sick leave credits. Sa halip, tinawag itong proportional vacation pay (PVP) na katumbas ng sweldo ng mga teaching personnel sa Christmas at summer vacation na kinukwenta base sa kung ilang araw sila pumasok sa loob ng school year (Rule XVI of the Omnibus Civil Service Rules, Sec 6). Kapag walang absent, buong natatanggap ang sweldo sa April at May. Pag may absent sa loob ng school year, ito ay may bawas proportionally. Bawat taon ay may standard na basehan ng factor kung ilan ang buong PVP. Kalimitang ginagamit halimbawa ang 3:1, sa bawat 3 araw na absent, may isang araw na kaltas sa PVP. Kung sa kalagitnaan ng taon ka lang nakapag serve, maaring kalahati lang din ang matatanggap na PVP.

May mga pagkakataon na tayo ay required na magbigay ng serbisyo beyond our official time. Nakasaad ito sa RA 4670 Art III Sec. 14. Sa halip na overtime payment in legal tender equivalent to 1.25% of daily rate ang ibayad, ang ibinibigay ay ang tinatawag na “SERVICE CREDIT” na katumbas ng isang araw na sweldo (nawala na ang 25%). Ang service credit ay hindi basta basta nakukuha (DepEd Order 53 s. 2003). May mga proseso para mabigyan tayo nito gaya ng Special Order. Ang mga service credit na ito ay maaaring ipangtapat sa mga absences na ang dahilan ay kung may sakit tayo o ang miyembro ng ating pamilya. Hindi nagagamit ang service credit kung ang type ng absent na inapply ay “vacation”.

Kung ang ibang empleyado ay may vacation leave na may buong bayad, tayong mga guro ay wala dahil po sa PVP. Kung wala tayong service credits, may sakit man o wala ang naging dahilan ng pag absent, ang mga araw na absent tayo ay Leave of Absence Without Pay (LAWOP). May kaltas sa buwan na nag absent, mayroon ding kaltas sa PVP. Kaya nga po nagkaroon na tayo ng kasabihang bawal magkasakit kung walang service credits.

Ang ating tinatanggap na PVP ay isang benepisyo katumbas ng ibinibigay din ng gobyerno sa lahat ng government workers sa buong pilipinas. Ang kaibahan nga lang po, maraming government workers ang may confusion sa ating tinatanggap na PVP at itinuturing na mas nakalalamang tayo sa kanila. Kung tutuusin, sila yung pwedeng mag absent na may bayad, maaari pa silang mag monetize, sila rin ang may tinatawag na forced leave (max of 5 days) na pwede nilang ienjoy. Samantalang tayo ay nakasalalay sa kung ilang service credits ang puhunan natin para magkaroon ng leave with pay na pwede lang iapply kung tayo ay may sakit. Bukod sa bawas sa monthly salary, bawat LAWOP natin ay may kaukulang epekto sa sweldo ng bakasyon, pati na rin sa terminal leave at IPCRF rating.

Ngayon, nararapat po bang ipatanaw sa atin na utang na loob ang ating tinatanggap na sweldo tuwing bakasyon? Nararapat din po ba na masabihan tayo na magpasalamat dahil binabayaran tayo habang nasa bakasyon? Nababawasan po ba ang ating dedikasyon sa ating propesyon kapag tayo ay magbakasyon ngayong April at May?

Alam po nating lahat na ang ating pagiging guro ay hindi lang natatapos ng alas singko ng hapon sa loob ng isang academic year. Hindi tayo dapat magkaroon ng guilt feeling at isiping hindi tayo karapatdapat na magbakasyon. Kung kaya nga, sa akin pong pananaw, we should not spend summer break justifying why we deserve this time off, or telling people how much work we do.

Margarita Lucero Galias

Margarita L. Galias began her career in education as a high school math and physics teacher in Immanuel Lutheran High School in Malabon City and Manila Central University, Caloocan City before serving as a public school teacher in Sorsogon City in 1995. She was a university scholar and graduated cum laude with a bachelor’s degree in Education, major in Math-Physics from De La Salle Araneta University. She also holds a master’s degree in Management, major in Administration and Supervision from Sorsogon State College. She is now currently employed in Mercedes B. Peralta Senior High School as a classroom teacher and a guidance counselor designate.

17 thoughts on “Public School Teachers Proportional Vacation Pay”

  1. Gud day..my concern po ako 15yrs po ako in service s deped, umaasa n akala q po mkkapag claim ako s PAGIBIG(15yrs) kya nga po d ako ng loan s knila but very disappointed po ako dhil d raw po ako qualified dhil wala raw pong payment for the month of MAY,,ang explaination po skin s Division office nd even Regional office since n regular ako JANUARY, pg may dw po wala tlgang payment.khit po my certification ang DO dpo pinakinggan ng PAGIBIg..meaning ang lht pla n teachers n n hired on JANUARY will not be gualified to claim loyalty s PAGIBIG after 15yrs dhil c deped d tlga mgpayments s knila..cguro po dpt aware ang Pagibig nd Deped about this..nd sna po mbigyang pansin ang concern q pong e2..God bless!

    Reply
  2. Hello po. Paano po ang pg compute ng deduction per day kung my absences? Divided by 30 or 31 days po ba? O divided by number of school days? Thank you po

    Reply
  3. Good day po, I’m a probationary teacher po for 3 years, lage pong delay salary Namin. Tapos Sabi po ng accounting office. Yung salary Namin for the month of June is on hold po kasi po daw Wala pa Ang guildlines ng PVP.

    Reply
  4. gud am. maam/sir mayroon ba matatanggap na PVP ang isang guro na nag serbisyo ng sobra 38 yrs at tinapos ang school year 2021-2022 at nagretire ngayon lang july 1, 2022. maraming salamat and God bless.

    Reply
  5. Nagrender po ako ng service from September 13, 2021 up to May 16, 2022. Resigned na po this coming May 17, 2022. May matatanggap po ba akong PVP, ilang days po? (Wala pong absent))

    Reply
  6. Good morning poh. Tanong ko lang poh, nagstart po ako nagfile ng leave po ako ng aug 11, 2021 at nanganak ako ng aug 24. Pasok pa po xa sa school break kasi po September 13 poh resume ng klase. Saan poh magbabase ang pagcompute po ng double pay ko, sa pagstart po ba ng aking pag maternity leave or magbabase po kung kailan ako nanganak?

    Reply
  7. Goodpm po. Need po ng clarification. Na-in po ako ng June 1 2021. And this month nakaltasan po ako dahil sa PVP. Nakuha ko po ang sahod for June – August.

    Ask ko lang po paano kung nagrender naman po ako ng service from July end of school year to September 10 kahit bkasyon araw araw po akong pumapasok.

    Reply
  8. Mam, Since new normal na po ang Edukasyon natin ngayon.. Bakasyon natin po nag start po ng July 10 to Sept 13.. Naka Maternity Leave po ako 60 days, due miscarriage starting June 28 to Aug. 28.
    Ang question ko po is my bagong memo po ba para sa PVP sa mga nagleave nitong bakasyon? At sana meron po kc bakasyon nman.. salamat

    Reply
  9. Mag ask lang po so kapag po february this school year 2020-2021 ka na pa in sa public wala na po kaming matatanggap na sahod para sa buwan ng august? Palinaw lang po thank you

    Reply
  10. Pls.pakiliwanag namn po..kmi po ay naka i. Sa public july 2 dn sa skul yr n un wala ako absent bakit ak laki ng bawas sa akin..and take note during summer nasa skul akk gang may po un….bakit ganun…salamat sa pagtugon

    Reply
  11. I have a question po…nanganak po ako nung Nov. 6, entitled po ba ako maka claim ng double pay during the christmas vacation? thank you po..

    Reply
  12. hello. Please enlighten. Isa po akong assistant prof sa isang SCU. Di po ako naka pag clearance for my PVP pay. Ang tanong ko lang po. Pag di ka naka clearance fir the PVP hold pa din po ba salary ng June.
    Sa school po kasi namin pag di ka naka clearance ng may ala ka sahod ng may.
    Pinagtataka ko lang bakit pati june ay di pa din po ako ponapasahod…

    Salamat po sa sagot

    Reply
  13. Hi maam. Question po…bakit po ba applicable to sa mga newly-hired teachers na nagstart within the school calendar? For example, yung mga hindi nagstart sa june pero august, September, etc? Wala na man silang absent? Bakit considered absent sila sa june until the previous month of their employment, hindi pa sila hired at that time?

    Reply

Leave a Comment

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.