Home » Buhay Guro » Para sa Future Kasintahan ni Teacher

Para sa Future Kasintahan ni Teacher

Sulat ng isang umaasang guro..

Teacher Anna Marie Flores Mount Ulap
Teacher Anna Marie Flores at Mount Ulap – Follow her on Facebook

Para Sa’yo,

Isa…

isang beses ka lang magdedesisyun sa pag-ibig na panghabang buhay, kaya huwag ka sanang mabibigla sa iyong magiging pasya dahil ako ay madaling masaktan. Pwede kang magdalawang isip para sigurado ka, tanungin mo muna ang sarili mo kung kaya mo bang magmahal ng isang guro… kahit isa lang ang isip mo magdalawang isip ka… ayoko kasing mapilitan ka lang, mahalin mo kung sino ako at ang mga bagay na kakabit na ng pagiging guro ko.

Dalawa…

dalawang bagay lamang… Ikaw at ang Paaralan lamang. Minsan huwag kang magtatampo kung halos gabihin ako sa eskwelahan at sa mga over time, hayaan mo’t pag-uwi ko nama’y ikaw ang magiging oras ko. Dalawang pagkakataon lamang naman meron tayo… kung hindi mo susubukan kailan pa? at Kung tayo talaga.. tayo talaga hanggang sa huli.

Tatlo…

tatlong salita ang lagi mong maririnig, ingles ng mahal kita… (I love you) bago ako umalis sa umaga… sa lunch break at bago tayo matulog sa gabi… Tunay kang mamahalin na parang pagmamahal ko sa pagtuturo sa mga bata… tatlo lang… “ Ikaw lang Talaga”

Apat…

Apat na bagay ang susubok sa ‘ting dalawa… 1. Oras 2. Trabaho 3. Emosyon 4. Pagkakataon… oo malamang kung mamahalin mo ako’y hindi mo matitimbang ang oras… Mauubos lang lahat sa Trabaho, pero kasama ‘to sa sinumpaan ko, kaya sana maintindihan mo. Pupunuin tayo ng iba’t ibang emosyon dala ng problema at iilang pagkakataon na lang ang matitira. Handa ka na ba? Sana maunawaan mo.

Lima…

Limang araw akong nasa eskwelahan… sana makayanan mong sa umaga at gabi lang magtatagpo ang ating mga mata. Minsan pa’y maiuuwi ko ang trabaho at nangingitian na lamang kita sa pag-uwi ko, kayanin mo dahil kailangan..,. Sana magets mo na may mag-oobserve bukas at may mga report na deadline na. Hayaan mo yayakapin na lang kita sa’yong paghimbing kahit mauuna ka laging matulog sa ‘kin.

Anim…

Anim na oras lahat, minsan mas higit pa dyan… uulitin ko ba ulit? Kung mamahalin mo ako, maging handa ka sa pagkain ng trabaho ko sa oras. Pangako naman sa pag-uwi ko ibibigay ko lahat ng natitira sa’yo, lalawakan mo na nga lang ang pag-unawa mo… o kaya samahan mo na lang ako sa paggawa ng mga instructional materials, ng DLL, ng mga report at magcheck, basta makasama lang kita.

Pito…

Pitong tibok ng puso kada Segundo ang laging tutunog sa tuwing may bisita kaming mag-oobserve, pero ngayon nasasanay na ako, kaya bigyan mo naman ako ng moral support, higit pa sa pagtapik ng balikat, tapikin mo pa rin sana ang puso sa pagkakataong napanghihinaan ako ng loob at nalilimutan na ang tunay na kahulugan ng pagtuturo.

Walo…

Walong oras walang kapaguran ang bibig ko este pagsasalita ko… masanay ka na, dahil baka hindi pa ako pagod pag-uwi ko ng bahay ay magulat ka at ang dami ko pa ring kinukwento… kinukwento ko kung paano ako manaway,mga nakatutuwang kwento at nangyari sa classroom, kung paano ako nagtagumpay nang iobserve ang klase ko, kung paano ‘ko nahabol ang dead line, pero sa huli kakamustahin ko pa rin ang araw mo, handa akong makinig kahit gaano pa ‘yan kahaba, kaya samahan mo na lang ako habang buhay. Magkwentuhan tayo hanggang sa dulo.

Siyam…

Siyam na dahilan (siguro) sa tingin ko kung bakit mo ako mamahalin…

  1. Marunong akong maghintay (pero sana natagpuan na nga kita)
  2. Alam ko ang kahulugan ng salitang pag-aalaga (kahalintulad ng pag-aalaga sa mga bata/ istudyanteng sabik sa bagong karunungan)
  3. Masayahin ako ( kahit mahirap ang trabaho nakukuha ko paring ngumiti, makapagbiro at matuwa sa kabila ng pagod)
  4. Malikhain ako (sa paraang bibigyan ko ng kulay ang ‘yong buhay, mas makulay pa kaysa sa dati)
  5. Maunawain ako( mapagpasensya sa lahat ng oras, iintindihin kita sa lahat ng oras, dahil ang tunay na pagmamahal ay nakakaunawa)
  6. Matiyaga ako ( ang tiyaga ko ngang naghintay at ngayon pa na dumating ka na nga)
  7. Simple lang ako ( simpleng magmahal pero ibubuhos ko lahat, parang paghahanda ko sa tuwing unang araw ng pasukan)
  8. Magaling ako sa Math ( ewan nasabi ko lang pero ang lagi mong maririnig sakin ay ‘yung kapag inADD mo ang 76 at 67 baligtarin mo man ikaw pa rin ang magiging sagot at
  9. Ang pinakamahalaga: Ako’y Nagmamahal.

Sampu…

sampung beses… sampung buwan… sampung taon.. oo ikaw ang hinihintay ko, umaasa pa rin ako, sa kabila ng marami kong pagkukulang, sa aral na natutunan ko mula sa mga nagdaaang huwad na pagmamahal… sana ikaw na nga… turuan mo naman akong magmahal muli.

Hanggang dito na muna…

Lubos na Umaasa,

Ang Teacher

Basa:

An Open Letter To My Future Girlfriend

Magmahal Ka ng Isang Guro

Paano ba mahahanap ni teacher ang forever?

Jhucel Atienza del Rosario

He is the happiness ambassador of teacherPH, elementary teacher, creator of FaceBook Page: Ang Masayahing Guro, Artist @ GuhitPinas, Musikero kuno, komedyante sa gabi, adik sa kape... mangingibig. Follow him on Facebook.

5 thoughts on “Para sa Future Kasintahan ni Teacher”

  1. Inspiring. ????

    “Darating Sya sa tamang panahon at pagkakataon”.
    Sa panahong hindi mo inaasahan at sa pagkakataong hindi ka na masasaktan pang muli. ????

    Reply

Leave a Comment

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.