Home » Teaching & Education » Graduation Message of Ms. Emma G. Arrubio

Graduation Message of Ms. Emma G. Arrubio

Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
City of Mandaluyong
Tel. no. 533-49-31, 532-23-96 Fax. no.532-71-17
E-Mail Address: depedmandaluyong@gmail.com

EMMA G. ARRUBIO

MENSAHE

Labis ang aking kagalakan at pagmamalaki na ipaabot ko ang aking pagbati sa mga magsisipagtapos sa elementarya sa taong panuruan 2015-2016. Ang inyong pagsusumikap sa anim na taong pag-aaral ay mabibigyan na ng katuparan sa pamamagitan ng pagkamit ng katibayan ng pagtatapos.

Batay sa tema, “KABATAAN MULA SA K TO 12, TAGAPAGDALA NG KAUNLARAN SA BANSANG PILIPINAS.”nagsasad na ang mga kabataan na magtatapos sa Kurikulum na K to 12, ay maaaring makipag sabayan sa mga dayuhan sa larangan ng edukasyon, pakikipag talastasan at dekalidad na trabaho.

Sa inyong pagtatapos, ito ay magbubukas ng maraming pagkakataon na inyong maipamalas ang inyong kaalaman, kasanayan at magandang pag-uugali sa inyong mga magulang, kapwa, komunidad at sa ating bansa. Sa inyong muling paglalakbay sa susunod na antas ng pag-aaral, lagging tandaan na ang edukasyon ang maghahasa sa inyong kaisipan at maghahanda sa inyong kinabukasan upang ang pangarap na inyong inaasam-asam ay matupad.

Magbigay pugay sa PANGINOON sa mga biyayang ipinag kaloob niya sa inyo at hilinging muli ang kanyang patnubay na kayo ay gabayan sa tatahakin landas sa pag-aaral.
Hangad ko na magkaroon kayo ng tibay ng loob na maisulong ang katuparan ng inyong mga pangarap.

Maligayang Pagtatapos sa inyong lahat at pagpalain kayo ng Maykapal.

EMMA G. ARRUBIO
Chief Education Supervisor, SGOD

Share with your friends!

Mark Anthony Llego

Mark Anthony Llego, from the Philippines, has significantly influenced the teaching profession by enabling thousands of teachers nationwide to access essential information and exchange ideas. His contributions have enhanced their instructional and supervisory abilities. Moreover, his articles on teaching have reached international audiences and have been featured on highly regarded educational websites in the United States.

Leave a Comment

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.