Home » Teaching & Education » Graduation Message of Dr. Nerissa L. Losaria for SY 2015-2016 Graduates

Graduation Message of Dr. Nerissa L. Losaria for SY 2015-2016 Graduates

Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
City of Mandaluyong
Tel. no. 533-49-31, 532-23-96 Fax. no.532-71-17
E-Mail Address: depedmandaluyong@gmail.com

MENSAHE

Sa mga Magsisipagtapos ngayong Taong Panuruan 2015-2016,

Bago ang lahat ay nais kong ipabatid ang aking taus-pusong pagbati sa mga mag-aaral na magtatapos ngayong taong ito, sa mga guro at pamunuan ng paaralan, lalong-lalo na sa mga magulang na nagpagal para sa kanilang mga anak, tanggapin ang aking pagpupugay.

Angkop na angkop ang tema ng pagtatapos ngayong taong ito na “Kabataang Mula sa K to 12, Tagapagdala ng Kaunlaran sa Bansang Pilipinas”, sapagkat nasa inyong mga kamay ang tunay na kaganapan ng pangarap at mithiin ng programa ng K to 12 ng Kagawaran ng Edukasyon. Kayo ang susi sa pantay na pandaigdigang kompetisyon (global competitiveness). Ang inyong talento, dunong at abilidad na pinanday sa ating mga paaralan ang gamitin ninyong sandata sa pagharap sa panibagong yugto ng inyong buhay. Gawin ninyo itong behikulo ng pagbabago hindi lamang para sa inyong sarili kundi maging ng lokal at pambansang kaunlaran. Darating ang panahon na ang lahat ng Pilipino ay may maipagmamalaking trabaho kaugnay ng mga paghahandang ginawa ng inyong paaralang pinagtapusan. Kayo ang magdadala ng kaunlaran sa ating bansa na ating pinapangarap. Kayo ang hinihintay na pag-asa ng ating bayan.

Kabataan ng panahong ito, masdan ang bahaging silangan at harapin ang hamon ng panibagong mukha ng pakikipagsapalaran at pagbabago. Ito na ang pagkakataon, ang panahon ng pag-unlad na nasa inyong mga kamay.

Mabuhay kayong lahat at pagpalain kayo ng Dakilang Lumikha!

NERISSA L. LOSARIA, CESO VI
Nanunuparang Pinuno
Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala

Mark Anthony Llego

Mark Anthony Llego, a visionary from the Philippines, founded TeacherPH in October 2014 with a mission to transform the educational landscape. His platform has empowered thousands of Filipino teachers, providing them with crucial resources and a space for meaningful idea exchange, ultimately enhancing their instructional and supervisory capabilities. TeacherPH's influence extends far beyond its origins. Mark's insightful articles on education have garnered international attention, featuring on respected U.S. educational websites. Moreover, his work has become a valuable reference for researchers, contributing to the academic discourse on education.

Leave a Comment

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.