Unang una wala kayong oras sa isat isa este meron naman
Sa madalas na minsan…
Kayu na ang bahalang magsulit sa mga sandaling saglit kapiling nyo ang isa’t isa
Lalo na sa gabing dinig na lang ang paghinga(lalim)
Maunawain kayong dalawa…
Kung may hindi makakapunta sa tagpuan alam na ng isa na baka
May report pang dapat tapusin
O classrecord na dapat punuin,
Hindi naman talaga sinasadya ‘yun
bawal ang magalit
Pareho kayong late lagi… As in lagi yun…
Kaya sa huli sa sobrang late nyo magkakasabay,na din kayo…
Pareho kayong sakto lang ang sahod,
kaya sulit din na lagi kayong hati sa mga bills
At sa mga iba pang bayarin
Masaya nyong hinahati-hati ang lahat ng bagay at
Kung mayroong hindi pagkakaunawaan
ang sweet nyo’ pa ring mag-away
katulad ng pagsingit ng Fraction dito o iba pang topic,
Malas nga lang kung englisan na ang labanan
Quiet na lang tayo…
Tuwing hapon sa pag-uwi o sa tuwing susunduin ni sir si mam
Ngingiti na lang kayo dahil bukod sa pareho kayong haggard ay alam ninyong kayo talaga ang itinadhana para sa isa’t isa
Puno ng pagmamahal ang sabado’t Linggo ninyo, bukod sa sabay kayong
Maglaba ng uniporme eh
Sabay din kayong mamomroblema sa mga darating pang araw ng pasukan
Masaya din Lalong lalo na kapag magkahawak ang inyong mga kamay habang naghihintay ng pagsuspend ng klase tuwing masama ang panahon, at kung wala nga… Yayakapin nyo na lang ang bawat isa, yakap na tatagal sa mahabang panahon, tapos tutulog na lang ulit kayo
Pareho kayong magkakaloan sa ayaw nyo man o hindi, kailangang pilitin, alam nyo sa isa’t isa na hanggang nagbibinge-bingehan ang nasa taas ay hindi sasapat ang sweldo, pag-ibig na lang ang pupuno sa inyong kakulangan
Alam n’yo ang limitasyon ng isang guro at bilang
Isang tao… Hindi nyo sasayangin ang pagkakataon
Tuturuan ninyo ang sariling tanggapin
Ang kakulangan ng bawat isa
Babalik kayo sa pagiging istudyante
Ng asignatura ng pag-iBig
Kayo na, habang buhay
Kung bakit mas magandang umibig ng kapwa guro
Ni Sir Jhucel Atienza del Rosario
hehe.. tama ka. teacher is to teacher ang labanan.