Bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng klase ngayong Setyembre 13, ating sagutin ang ilan sa mga importanteng katanungan ukol sa pagpapatala para sa SY 2021-2022! Alamin kung paano isasagawa ang enrollment sa inyong lugar at ang iba’t ibang paraan upang maipasa ang inyong datos.
UPDATES:
DepEd Enrollment Guidelines for School Year 2022-2023
DepEd Enrollment Procedures for School Year 2022-2023
DepEd Enhanced Basic Education Enrollment Form for SY 2022-2023
Maaaring i-download ang MLESF at ALS Enrollment Form sa mga sumusunod na links:
Para sa iba pang detalye tungkol sa pagpapatala, basahin ang DepEd Order No. 32, s. 2021:
- DepEd Guidelines on Enrollment for School Year 2021-2022
- DepEd Enrollment Procedures for School Year 2021-2022
Table of Contents
Mga Katanungan Para sa School Year 2021-2022 Enrollment
Para sa SY 2021-2022, ang pagpapatala ay magsisimula sa Agosto 16, 2021 at magpaptuloy hanggang sa unang araw ng taong panuruan sa Setyembre 13, 2021.
Ang pagpapatala ay pangunahing isasagawa sa pamamagitan ng remote enrollment sa mga lugar sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Gayunpaman, ang mga magulang o tagapag-alaga ay maaaring magpasa ng pisikal na Modified Learner Enrollment and Survey Form (MLESF) sa mga paaralan sa mga lower risk areas (ibig sabihin, ang General Community Quarantine [GCQ] at Modified General Community Quarantine [MGCQ]). Marapat lamang na mahigpit na sundin ang mga itinakdang health protocols sa inyong lugar.
Katulad ng proseso ng pagpapatala noong nakaraang SY 2020-2021, ang mga mag-aaral ay maaaring i-enroll sa pamamagitan ng phone call, text o SMS, at online na pagsusumite ng MLESF upang matiyak ang kaligtasan ng lahat. Walang face-to-face interaction sa prosesong ito.
Ito ay isang paraan ng pagpapatala kung saan ihinuhulog lamang ng mga magulang ang nasagutang MLESF sa enrollment dropbox o kiosk/booth na matatagpuan sa harap ng gate ng mga paaralan, sa mga barangay hall, at iba pang mga lokasyon na madaling puntahan ng mga magulang at tagapag-alaga.
Ano ang mga kailangan kong malaman sa pagpapatala ng aking anak?
Alinsunod sa DepEd Order No. 32, s. 2021, narito ang mga sumusunod na gabay sa mga magulang o tagapangalaga sa pagpapatala ng kanilang anak sa kategoryang naangkop sa kanila:
Para sa mga papasok na mag-aaral sa Grades 1-6, 8-10 at 12
Ang paaralan ay makikipag-ugnayan sa mga magulang/tagapangalaga ng papasok na mag-aaral sa Grades 1-6, 8-10 at 12, sa pamamagitan ng kanilang adviser sa nakaraang school year, para sa proseso ng remote enrollment. Gayunpaman, maaari ring makipag-ugnayan ang mga magulang o tagapangalaga sa adviser ng kanilang anak para sa pagpapatala sa pamamagitan ng mga contact number na nanggaling sa paaralan.
Para sa mga papasok na mag-aaral sa Kindergarten, Grade 7 at 11
Ang mga magulang o tagapangalaga ng papasok na mga mag-aaral sa Grade 7 at 11 ay dapat na makipag-ugnayan sa napiling paaralan upang kumpirmahin ang kanilang intensyon sa pagpapatala ng kanilang anak sa pamamagitan ng digital o physical enrollment platforms na ini-implementa ng mga paaralan, tulad ng mga naunang proseso sa early registration.
Para sa mga transferees
Ang mga mag-aaral na may planong lumipat mula sa isang paaralan (pinagmulang paaralan) tungo sa isang paaralan (lilipatang paaralan) ay dapat na direktang makipag-ugnayan sa lilipatang paaralan sa pamamagitan ng kanilang enrollment contact details. Ang dating adviser ng mag-aaral ay hindi na kailangang mangasiwa sa pagsusumite ng MLESF ng mag-aaral na lilipat sa ibang paaralan.
Para sa mga enrollees ng Balik-Aral
Ang lahat ng magpapatala para sa Balik-Aral ay dapat na direktang makipag-ugnayan sa kanilang napiling paaralan para sa pagpapatala. Ang nasabing paaralan ay dapat na irehistro ang enrollment at survey data ng nagpapatala.
Para sa mga enrollees ng ALS
Maaaring ipahayag ng mga magpapatala sa ALS ang kanilang intensyon sa pamamagitan ng digital o physical enrollment platforms ng mga paaralan at barangay na may community learning centers (CLCs). Nararapat na gamitin ang Modified ALS Form 2 (Annex A) para dito, alinsunod sa DepEd Order No. 58, s. 2017. Maaaring makakuha ng kopya ng form na nasa digital at physical format.
goodmorning po pano po ba pag ang bata ay di po nakapasa pano po ba ieenroll kc po yung anak ko po na grade 2 balik po ule