Home » DepEd Resources » Mga Kinakailangang Dokumento at Hakbang sa Paglipat ng Paaralan

Mga Kinakailangang Dokumento at Hakbang sa Paglipat ng Paaralan

Madalas na tanong tungkol sa mga kinakailangang dokumento at hakbang sa paglipat ng paaralan, kakulangan ng school credentials/records.

Pinahihintulutan ba ang paglipat ng mga mag-aaral mula public schools patungong private schools sa kabila ng kawalan ng School Forms (SF9)?

Oo, pinahihintulutan ng DepEd Order No. 03, s. 2018, mas kilala bilang Basic Education Enrollment Policy, ang enrolment ngunit sa panandaliang batayan lamang.

Ano ang hakbang sa enrolment sa kabila ng kaku-langan ng SF9?

Ang sumusunod ay ang hakbang sa paglipat ng paaralan kahit na walang SF 9 ang mag-aaral:

Ang mga transferees mula pampubliko at pampribadong paaralan ng bansa na hindi nakapabigay ng SF9 (dating Form 138) noong early registration o bago ang enrolment ay maitu-turing na “temporarily enrolled” hanggang sa makapagbigay ng kinakailangang dokumento bago o mismong sa Agosto 31 ng kasalukuyang taon. Kinakailangang makapagbigay ang mag-aaral ng Affidavit of Undertaking na may lagda ng kaniyang magulang upang panandaliang mai-enroll.

Paano mamo-monitor ang progreso ng mag-aaral habang naka-enrol nang panandalian?

Para sa mga panandaliang naka-enroll, ang paaralang tatanggap ay kinakailangang maglabas ng Temporary Progress Report Card na nilagdaan ng gurong tagapayo upang makita ng mga magulang ang naging progreso ng kanilang anak. Ang form na ito ay HINDI MAAARING GAMITIN SA PAGLIPAT NG PAARALAN AT ENROLMENT at inilalabas lamang upang makita ang naging kakayahan sa eskwelahan.

Ano ang magiging epekto kung hindi makapagbibigay ng SF9 ang mag-aaral?

Ang mag-aaral ay mananatiling TEMPORARILY ENROLLED; ang mag-aaral ay HINDI MAAARING MA-PROMOTE sa mas mataas na baitang, at hindi makikilala ang nakuhang grado at iba pang pamantayan para sa academic honors, at ang receiving school ay HINDI DAPAT MAGLABAS NG OPISYAL NA DOKUMENTO tulad ng SF9, SF10, Certificate of Completion, Diploma.

Ano ang magiging epekto ng pagbibigay ng SF9?

Matapos maibigay ang mga kinakailangang dokumento at SF9, ang mag-aaral ay masasabing opisyal nang naka-enrol sa paaralan.

Sino ang makakakuha ng school records ng mag-aaral?

Lahat ng mga magulang ng mga mag-aaral na naka-enrol sa paaralan ay may karapatan na makita ang anumang opisyal na record na may kinalaman sa mag-aaral na kanilang inaalagaan.

Ang mga mag-aaral sa lahat ng paaralan ay may karapatan na makuha ang kanilang sariling school records, nararapat na ang kumpidensiyalidad ng impormasyon ay kinakailangang mapanatili.

Sakaling magkaroon ng problema sa kustodiya ng bata at ang awtoridad sa pangangalaga ay ibinigay ng korte sa ama, may karapatan ba ang Ina na makita ang records ng kaniyang anak?

Wala. Ayon sa Education Act of 1982, ang magulang na mayroon lamang awtoridad sa pangangalaga ang dapat makakita ng mga record ng kaniyang anak. Kung sakali ring nasa tagapangalaga ang awtoridad, sinuman sa ama at ina ay walang karapatan kaugnay nito.

Anu-ano ang mga hakbang sa paglilipat ng school records ng mag-aaral mula sa paaralan patungo sa iba pang paaralan sa Pilipinas?

Ang registrar ng dating paaralan ay kailangang maghanda ng requested Form 137 at ipadala ang mga records gamit ang mail o courier. Ang dating paaralan ay dapat mag-update ng LIS kasama ang petsa kung kalian ipinadala ang mga dokumento.

Ang paaralang tatanggap sa mag-aaral ay dapat ding mag-update ng Learner Information System (LIS) kasama ang petsa kung kalian natanggap ang mga dokumento.

Kung nakaiipas na ang isang buwan matapos maipadala ang LIS at hindi pa rin ito natatanggap. ang paaralang tatanggap sa mag-aaral ay kailangang magpadaia ng “follow up maturing request” upang masabihan ang dating paaralan.

Kung walang natanggap na dokumento pagkatapos ng unang markahan, ang paaralang tatanggap sa mag-aaral ay kailangang ipagbigay-alam ito sa SGOD sa Division Office para sa mga nararapat na hakbang.

Para sa mga mag-aaral na lilipat sa ibang paaralan sa gitna ng taong panuruan, ang paaralang tatanggap sa mag-aaral ay kailangang mag-update ng LIS na magsasabi sa dating paaralan upang mai-transfer ang mga record. Kung tatlumpung (30) araw na ang nakalipas pagkatapos sabihan ang dating paaralan at hindi dumating ang dokumento, ang paaralang tatanggap sa mag-aaral ay kailangang ipagbigay-alam ito sa SGOD sa Division Office para sa mga nararapat na hakbang.

Mark Anthony Llego

Mark Anthony Llego, a visionary from the Philippines, founded TeacherPH in October 2014 with a mission to transform the educational landscape. His platform has empowered thousands of Filipino teachers, providing them with crucial resources and a space for meaningful idea exchange, ultimately enhancing their instructional and supervisory capabilities. TeacherPH's influence extends far beyond its origins. Mark's insightful articles on education have garnered international attention, featuring on respected U.S. educational websites. Moreover, his work has become a valuable reference for researchers, contributing to the academic discourse on education.

5 thoughts on “Mga Kinakailangang Dokumento at Hakbang sa Paglipat ng Paaralan”

  1. Hello po ma’am /Sir ..ask kulang po kung pwede ilipat anak ko nakapag umpisa na po sya ng pasukan grade 1 dito sa Cavite pero i-transfer ko po sya sa Pampanga ngayon sept. Tatanggapin pa po kaya

    Reply
  2. may mha sinisingil po ang mga pribafong paaralan ukol sa paglipat ng bata sa ibang paaralan? BEST LINK school is best in asking money from their students…hayssst!!!!libre nga ang tuition every week namang may bayarin…na di mo alam kung para saan sana maaksyunan 😢

    Reply
  3. makakapagkinder ba ang anak kahit wlang eccd booklet? Bale nagstop po kami 3months ago bago mag moving up sa sobrang daming gastos di na kinaya ng budget

    Reply
  4. Sir /Ma’am puwede ko bang malipat sa ibang Lugar o paaralan Ang aking anak na magkakalahating taon na po sa paaralan tatangapin po ba Ang mga anak ko o hindi na?

    Reply
  5. Good afternoon Ma,am & Sir
    Tanong ko lang po, naputol po ang pantawid ng anak ko.
    Dahil wala na po sya sa province namin 3 years na po ata.
    Ang member po ay ang mother ko po. pwede po bang ilipat sa mother ng bata.
    if ever po paano po ang process.

    Reply

Leave a Comment

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.