Malugod kayong inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino na lumahok sa sumusunod na timpalak ng KWF para sa taong 2019:
Table of Contents
Sali(n) na, Chitang!
Timpalak na naghihikayat sa mga kabataan edad 12-17 na lumahok sa pagsasalin sa Filipino ng mahahalagang tekstong pampanitikan. Para sa taong 2019, ang tekstong isasalin ay ang mga piling sanaysay ni Carmen Guerrero Nakpil. Dedlayn: 6 Abril 2019.
iKabataan Ambasador sa Wika (IkAW)
Isang pambansang kompetisyon ng KWF na naglalayong katuwangin at mobilisahin ang kabataang Filipino tungo sa aktibong pangangalaga at pagtataguyod ng mga katutubong wika ng Filipinas. Dedlayn: 3 Mayo 2019.
KWF Kampeon ng Wika 2019
Pagkilala sa mga indibidwal o pangkat na nag-ambag sa pagpapaunlad at pagtataguyod ng Filipino at mga wika ng Filipinas. Dedlayn: 7 Hunyo 2019.
KWF Gawad Dangal ng Wikang Filipino 2019
Pagkilala sa mga indibidwal samahan, tanggapan o institusyon, at mga ahensiyang pampamahalaan o pribadong sector na may natatanging ambag o nagawa tungo sa pagsusulong, pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino. Dedlayn: 7 Hunyo 2019.
Ulirang Guro sa Filipino 2019
Taunang Gawad na kumikilala sa mga pambihirang Gawain ng mga guro sa mga anyong gaya ng akademikong ugnayan, saliksik, at pagpapalaganap ng wika upang mahikayat ang bagong henerasyon ng kabataan na kasangkapanin ang Filipino at iba pang wikang katutubo sa mataas na antas at tungo sa ganap na kapakinabangan ng mga mamamayang Filipino. Dedlayn: 1 Hulyo 2019.
KWF Gawad sa Sanaysay 2019
Paligsahan na inilunsad ng KWF upang himukin ang mga mananaysay na ilahok ang kanilang mga likha na nagtatalakay ng konsepto o resulta ng saliksik hinggil sa pagpalilinang ng mga katutubong wika ng Filipinas tungo sa pagkakaunawaan, pagkakaisa, at pagpapaunlad ng sambayanang Filipino. Dedlayn: 5 Hulyo 2019.
Gawad Julian Cruz Balmaseda 2020
Pinakamataas na pagkilala na handog ng KWF para sa natatanging tesis at disertasyon sa agham, matematika, agham panlipunan, at iba pang kaugnay na larang na gumagamit ng wikang Filipino bilang wika ng saliksik. Dedlayn: 11 Oktubre 2019.
Kalakip ng memorandum na ito ang mga tuntunin at form ng mga timpalak.
Para sa karagdagang impormasyon hinggil sa mga timpalak ng KWF, mangyaring tumawag sa Sangay ng Edukasyon at Networking sa 736-2519, o magpadala ng email sa komisyonsawika@gmail.com, o bumisita sa www.kwf.gov.ph.
Sali(n) na, Chitang!
Ang Sali(n) Na, Chitang! ay isang timpalak sa pagsasalin sa Filipino ng mahahalagang tekstong pampanitikan na naglalayong hikayatin ang mga kabataan na lumahok sa gawaing pagsasalin. Para sa taong 2019, ang tekstong isasalin ay ang mga piling sanaysay ni Carmen Guerrero Nakpil.
Ito ay bukas sa lahat ng kabataang nasa edad 12-17. Ang mga lalahok ay maaaring mag-aaral o out-of-school youth na naninirahan sa Filipinas.
Mga Tuntunin:
1) Ang Sali(n) Na, Chitang! ay bukas sa lahat ng kabataang nasa edad 12-17 maliban sa mga kaanak ng mga empleado ng KWF. Ang akdang isasalin ay alinman sa mga sanaysay na pinili ng KWF, ang “A Question of Identity” at “Where’s the Patis?” na mada-download sa www.kwf.gov.ph. Isang sanaysay lamang ang isasalin.
2) Mulang Ingles tungong Filipino ang gagawing pagsasalin. Ang salin ay kailangang orihinal na likha ng kalahok, at hindi pa nalalathala sa alinmang publikasyon o nagwagi sa alinmang timpalak bago ang 6 Abril 2019. Hindi patatawarin ang sinumang nahuli at napatunayang nagkasala sa pangongopya. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nito sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.
3) Isa (1) lamang entri ng salin ang maaaring isumite. Ang bawat lahok ay kinakailangang nasa anyong PDF, gagamit ng font na Arial na may laking 12 pt, doble espasyo sa 81/z” x 11″ na bond paper na may palugit na isang (1) pulgada sa itaas at ibaba at sa magkabilangtabi.
4) Isusumite ang sumusunod na mga dokumento na kailangang nakalagay sa isang selyadong long brown envelope: (1) tatlong hard copy ng lahok; (2) isang CD na naglalaman ng digital na kopya ng entri; (3) pormularyo sa paglahok; (4)pormularyo sa pahintulot ng magulang; at (5) sertipikasyon mula sa prinsipal ng paaralan para sa mga mag-aaral o sertipikasyon mula sa punong barangay para sa mga out of school youth. Tanging ang pamagat lamang ng lahok isusulat o ilalagay sa envelope. Ipadadala ang naturang dokumento sa:
Lupon sa Sali(n) Na, Chitang!
2F Gusali Watson, 1610 Kalye J. P. Laurel
Malacanang Complex, San Miguel Lungsod Maynila
Maaari ring ipadala ang mga lahok sa email ng KWF sa komisyonsawika@gmail.com.
5) Ang mga lahok ay kinakailangang matanggap ng KWF bago o sa 6 Abril 2019, 5:00 nh.
6) Ang mga magwawagi ay tatanggap ng medalya mula sa KWF at ng sumusunod na gantimpalang salapi:
Unang gantimpala: PHP5,000.00
Ikalawang gantimpala: PHP3,500.00
Ikatlong gantimpala: PHP1,500.00
7) Anumang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pangwakas at hindi na mababago. Ang lahat ng lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok at angkin ng KWF at ng ka-tagapagtaguyod nito ang unang opsiyon na mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa may-akda.
8) Para sa mga tanong, sumulat sa komisyonsawika@gmail.com o tumawag sa (02) 736-2519.
Where’s the Patis?
Carmen Guerrero Nakpil
A Filipino may denationalize himself but not his stomach. He may travel over the seven seas, the five continents, the two hemispheres and lose the savor of home, forget his identity and believes himself a citizen of the world. But he remains- gastronomically, at least, always a Filipino. For, if in no other way, the Filipino loves his country with his stomach.
Travel has become the great Filipino dream. In the same way that an American dreams of becoming a millionaire or an English boy dreams of going to one of the great universities, the Filipino dreams of going abroad. His most constant vision is that of himself as a tourist.
To visit Hongkong, Tokyo and other cities of Asia, perchance or to catch a glimpse of Rome, Paris or London or to go to America (even for only a week in a fly-specked motel in California) is the sum of all delights.
Yet having left Manila International Airport in a pink cloud of despedidas and sampaguita garlands and pabilin, the dream turns into a nightmare very quickly. But why? Because the first bastion of the Filipino spirit is the palate. And in all the palaces and fleshpots and skyscrapers of that magic world called “abroad” there is no patis to be had.
Consider the Pinoy abroad. He has discarded the barong tagalog or “polo” for a dark, sleek Western suit. He takes to the hailiments from Hongkong, Brooks Brothers or Savile Row with the greatest of ease. He has also shed the casual informality of manner that is characteristically Filipino. He gives himself the airs of a cosmopolite to the creditcard born. He is extravagantly courteous (especially in a borrowed language) and has taken to hand-kissing and to planty of American “D’you mind’s?”
He hardly misses the heat, the native accents of Tagalog or Ilongo or the company of his brown- skinned cheerful compatriots. He takes, like duck to water, to the skyscrapers, the temperate climate, the strange landscape and the fabled refinements of another world. How nice, after all, to be away from good old R.P. for a change!
But as he sits down to meal, no matter how sumptuous, his heart sinks. His stomach juices, he discovers, are much less neither as apahap nor lapu-lapu. Tournedos is meat done in barbarian way, thick and barely cooked with red juices still oozing out. The safest choice is a steak. If the Pinoy can get it well done enough and sliced thinly enough, it might remind him of tapa.
If the waiter only knew enough about Philippine cuisine, he might suggest venison which is really something like tapang usa, or escargots which the unstylish poor on Philippine beaches know as snails. Or even frog’ legs which are a Pampango delight.
But this is the crux of the problem, where is the rice? A silver tray offers varieties of bread: slices of crusty French bread, soft yellow rolls, rye bread, crescents studded with sesame seeds. There are also potatoes in eveiy conceivable manner, hied, mashed, boiled, buttered. But no rice.
The Pinoy learns that rice is considered a vegetable in Europe and America. The staff of life a vegetable!
Where is the patis?
And when it comes a special order which takes at least half an hour the grains are large, oval and foreign- looking and what’s more, yellow with butter. And oh horrors!- one must shove it with a fork or pile it with one’s knife on the back of another fork.
After a few days of these debacles, the Pinoy, sick with longing, decides to comb the strange city for a Chinese restaurant, the closest thing to the beloved gastronomic country. There, in the company of other Asian exiles, he will put his nose finally in a bowl of rice and find it more fragrant than an English rose garden, more exciting than a castle on the Rhine and more delicious than pink champagne.
To go with the rice there is siopao (not so rich as at Salazar), pancit guisado reeking with garlic (but never so good as any that can be had on the sidewalks of Quiapo), fried himpia with the incorrect sauce, and even mami (but nothing like the downtown wanton)
Better than a Chinese restaurant is the kitchen of a kababayan. When in a foreign city, a Pinoy searches every busy sidewalk, theater, restaurant for the well- remembered golden features of a fellow- pinoy. But make it no mistake.
A QUESTION OF IDENTITY (3)
Carmen Guerrero Nakpil
One of the things that throw off foreigners is our system of Spanish family names. At the UN or any of its alphabet agencies, at diplomatic or trade conferences, foreign universities or firms, the Filipino representative is likely to be named, not Thieu Min or Ahmed Tagarito as one could expect of an Oriental from a Pacific archipelago near the heartland of Asia, but Gonzalo Fernandez y Castro or Luis Maria Coronado.
The reason for this disconcerting circumstance, apart from the historical accident of Western Catholicism (which gave us our first names) is an order handed down by the Spanish Governor Claveria on November 21,1849, which decided once and for all what family names Filipinos should bear. The order – one of the most fascinating in our National Archives – lists the conditions which made it imperative in Spanish eyes. Most of the “natives” did not have family names. Those that did have adopted a few saints’ names, but thousands who were not related bore the same name, and this proliferation created untold confusion, hampered the administration of justice and had “transcendental civil, moral, and religious consequences,” since blood relationships (prior to marriage ceremonies, for instance) could not be traced. The Spanish government was also reacting to the crying need for a population census and other adequate statistics, as well as for efficient tax collection. Like all colonial governments it was also concerned about “population movements” and the secrecy with which it was possible to carry these out.
A “catalog of surnames” was then put together by the most important friars, that is, the Fathers Provincial of all religious orders, from a list of Spanish patronymics as well as glossaries of words from the dialects, other items taken from, as the order calls it “the vegetable and mineral kingdom”, and expectedly enough, geography. A copy of the catalog was sent to all provincial governors and thence apportioned among the gobemadorcillos and cabecerias, the period name for villages, with instructions that heads of families were to choose their surnames from the word lists.
The order left a lot of leeway for families “of Spanish, Chinese, or native origin” which had borne patronymics for generations, concerning itself only with those who had names of saints, those who had all-too-common names like de la Cruz and de los Santos (although Cruz appears again on the list) orphans and children of unknown fathers. A specific injunction was placed against adopting the names of ancient nobility, given as Lacandola, Mojica, Tupas, and Raja Matanda, except by those who clearly had a right to them. At first glance, the order appears logical and humane.
The most cursoiy reading, however, of the words, printed alphabetically, in long columns and in lower case reveals the sardonic humor of the Spanish rulers. There is unmistakable black comedy in suggesting to (and, in most cases, imposing upon) an illiterate pater familias a surname from a list that included unggoy, utut, taba, estupido, ladron, aso, ano, longaniza, tortura, cuca, daga (without an accent) maglasing, malo, and trasero. Of course, most of the list was indeed made up of harmless and only midly amusing words like, asada, ticoy, tonelada, masarap, monggo, cronometo, and embalzamado, and (contrary to a popular misconception) there was an abundance of honest-to goodness native words like salaysalay, oloc-oloc, ocaycayan, and panganiban. Still, any modem census list will reveal not only an abject cultural pupilage but also pronounced streak of Spanish cruelty.
Such famous names as Magsaysay, Romulo, and Taruc were apparently chosen from the Claveria list of 1849. Marcos appears only in the singular as Marco and Osmena does not appear at all. Salonga is written salongamoy which may not be the same word at all since the name Salonga turns up almost two hundred years earlier in the first revolt of the Tondon datus, as one of the ringleaders.
The surname I was born with was also picked out from the Claveria catalog by a warlike ancestor whose bloodlust must have been aroused by the old family name of Santa Rosa. One can easily understand why someone who had been called Saint Rose for generations would be prickly and martial enough to want to be known as a Spanish warrior.
My other surname went by two other versions in Claveria: nacpil and nacapili, the latter oddly apt and flattering but with an ominous ring of self-determination. Nacapili – to have chosen! Not many people have been able, after all, to choose, as we Filipinos did, their own identity.
iKabataan Ambasador sa Wika (iKAW)
Tungkol sa Timpalak:
Ang iKabataan Ambasador sa Wika (iKAW) ay isang pambansang kompetisyon ng KWF na naglalayong katuwangin at mobilisahin ang kabataang Filipino tungo sa aktibong pangangalaga at pagtataguyod ng mga katutubong wika ng Filipinas. Ang kompetisyon ay magiging tagisan ng talinong pangwika at pangkultura at ng mga platapormang pangwika na nais ipatupad ng Ambasador.
Ang magwawaging Ambasador sa Wika ay magkakaroon ng isang taong kontrata sa KWF ukol sa mga tungkuling pangwika na dapat tupdin ng isang Ambasador.
Mga Tuntunin:
1) Ang iKabataan Ambasador sa Wika (iKAW) ay bukas sa lahat ng kabataang edad 18-25, maliban sa mga empleado ng KWF at kanilang mga kaanak hanggang ikatlong digri.
2) Ang kalahok ay dapat na may sumusunod na katangian: (a) ispiker ng isang katutubong wika ng Filipinas; (b) mahusay sa wikang Filipino; (c) may mataas na moralidad at karakter; at (d) hindi nagkaroon ng anumang kaso o rekord ng paglabag sa batas.
3) Para sa paglahok, kinakailangang isumite ang sumusunod:
Curriculum vitae ng kalahok na may retratong 2×2
Sinagutang KWF iKAW Form sa Paglahok
Limang pahinang sanaysay sa Filipino na inilalarawan ang katutubong wikang kinakatawan ng kalahok, ang mga suliraning kinakaharap ng katutubong wikang ito, at ang proyektong pangwikang ipatutupad ng kalahok sa loob ng isang taon para tugunan ang natukoy na suliraning pangwika
Limang minutong video na nagpapaliwanag sa programang pangwika ng kalahok na idedeliver sa katutubong wika ng kalahok na may kasamang subtitle ng salin nito sa Filipino at/o isang word file ng salin sa Filipino. Ang video ay kinakailangang nakalagay sa isang USB.
Notaryadong katibayan ng pagiging ispiker ng katutubong wika na pinatunayan ng alinman sa sumusunod: puno ng paaralan/unibersidad ng kalahok, puno ng ahensiyang pinagtatrabahuhan, alkalde ng bayan o lungsod ng kalahok, o elder ng katutubong komunidad
Notaryadong katibayan ng walang pending na kaso (certificate of no pending case) mula sa paaralan, bayan/lungsod, o trabaho; o NBI klirans na may anim na buwang validiti
Rekomendasyon mula sa puno ng paaralan/unibersidad, alkalde ng bayan o lungsod, direktor ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK), o elder ng katutubong komunidad ng kalahok
4) Ang mga dokumentong ito ay nakalagay sa isang expanding envelope na may pangalan at adres ng kalahok. Ipadadala ang mga lahok sa:
Lupon sa iKabataan Ambasador sa Wika (iKAW) c/o Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN) 2P Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel, San Miguel, Maynila 1005
5) Ang huling araw ng pagsusumite ng mga lahok ay sa 3 Mayo 2019, 5:00 nh. Para sa mga ipinadala sa pamamagitan ng koreo, tatanggapin lamang ng KWF ang mga lahok na nai-mail bago o sa nabanggit na petsa.
6) Pipiliin ng KWF ang Top 5 na kalahok na tutuloy sa ikalawang antas ng kompetisyon na gaganapin sa Pammadayaw: Araw ng Parangal sa Agosto 2020.
7) Ang tatanghaling Top 5 finalists ay makatatanggap ng halagang sampung libong piso (PHP10,000).
8) Ang tatanghaling Ambasador sa Wika ay makatatanggap ng halagang dalawampung libong piso (PHP20,000), pondong sandaang libong piso (PHP100,000) para sa mga proyekto ng kaniyang wika, at isang taong kontrata bilang Ambasador sa Wika ng KWF.
KWF Kampeon ng Wika 2019
Mga Tuntunin:
1) Indibidwal, samahan, tanggapan o institusyon, at mga ahensiyang pampamahalaan o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa tungo sa pagsusulong, pagpapagalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng alinman sa mga katutubong wika sa Filipinas sa iba’t ibang larang at disiplina.
2) Para sa mga indibidwal, kinakailangang may gulang na hindi bababa sa apatnapung (40) taon. Para sa mga samahan, tanggapan, ahensiyang pampamahalaan, at/o pribadong sektor, kinakailangang naestablisa nang hindi bababa sa limang (5) taon.
3) Mayroong katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa alinman sa mga katutubong wika sa iba’t ibang larang at/o disiplina. (Kinakailangang ilakip sa nominasyon bilang pruweba.)
4) Ang mga nominasyon ay kinakailangang maglakip ng mga sumusunod na kahingian:
Liham nominasyon na nagsasaad ng buod ng kalipikasyon ng nominadong indibidwal o samahan at nilagdaan ng nagnomina
Curriculum vitae (kung indibidwal) o profayl ng organisasyon (kung samahan)
KWF Pormularyo sa Nominasyon
Mga pruweba sa katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa wikang Filipino at/o alinmang katutubong wika sa bansa
5) Hanggang sa 7 Hunyo 2019 ang huling araw ng pagsusumite ng mga nominasyon.
6) Ipadala ang mga nominasyon sa:
Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN)
Komisyon sa Wikang Filipino
2P Gusali Watson, 1610 Kalye J. P. Laurel St., San Miguel, Maynila
7) Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan kay G. Gregory Miles Granada ng Sangay ng Edukasyon at Networking sa telepono big. 736-2519 o magpadala ng mensahe sa komisyonsawika@gmail.com.
KWF Dangal ng Wikang Filipino 2019
Mga Tuntunin:
1) Indibidwal, samahan, tanggapan o institusyon, at mga ahensiyang pampamahalaan o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa tungo sa pagsusulong, pagpapagalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larang at/o disiplina.
2) Para sa mga indibidwal, kinakailangang may gulang na hindi bababa sa apatnapung (40) taon. Para sa mga samahan, tanggapan, ahensiyang pampamahalaan, at/o pribadong sektor, kinakailangang naestablisa nang hindi bababa sa limang (5) taon.
3) Mayroong katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa wikang Filipino sa iba’t ibang larang at disiplina. (Kinakailangang ilakip sa nominasyon bilang pruweba).
4) Ang mga nominasyon ay kinakailangang maglakip ng mga sumusunod na kahingian:
Liham nominasyon na nagsasaad ng buod ng kalipikasyon ng nominadong indibidwal o samahan at nilagdaan ng nagnomina
Curriculum vitae (kung indibidwal) o profayl ng organisasyon (kung samahan)
KWF Pormularyo sa Nominasyon
Mga pruweba sa katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa wikang Filipino at/o alinmang katutubong wika sa bansa
5) Hanggang sa 7 Hunyo 2019 ang huling araw ng pagsusumite ng mga nominasyon.
6) Ipadala ang mga nominasyon sa:
Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN)
Komisyon sa Wikang Filipino
2P Gusali Watson, 1610 Kalye J. P. Laurel St.,
San Miguel, Maynila
7) Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan kay G. Gregory Miles Granada ng Sangay ng Edukasyon at Networking sa telepono big. 736-2519 o magpadala ng mensahe sa komisyonsawika@gmail.com.
Gawad Ulirang Guro sa Filipino 2019
Ukol sa Gawad:
Ang Ulirang Guro sa Filipino ang taunang gawad na ibinibigay ng Komisyon sa Wikang Filipino sa mga pill at karapat-dapat na guro na gumagamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo.
Alinsunod sa layunin ng KWF na manghikayat at magpalaganap ng wikang Filipino sa pamamagitan ng mga insentibo, mga grant, at mga gawad, hinahangad ng tanggapan na makilala at maipagparangalan ang mga natatanging guro sa Filipino na nagpamalas ng angking husay, talino, at dedikasyon sa pagpapalaganap at promosyon ng Wikang Filipino at/o mga wika at kultura sa kanilang komunidad.
Guro ang pundasyon ng sibilisasyon, at sa ganitong pananaw isinilang ang Gawad Ulirang Guro sa Filipino na kumikilala sa mga natatanging guro na pawang nakapag-ambag sa pagpapalaganap ng matalino at malikhaing gamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina, saanmang rehiyon sila nagmula, at nakapagpamalas ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana ng bansa.
Kinikilala rin nito ang mga pambihirang gawain ng guro, sa mga anyong gaya ng akademikong ugnayan, saliksik, at pagpapalaganap ng wika upang mahikayat ang bagong henerasyon ng kabataan na kasangkapanin ang Filipino at iba pang wikang katutubo sa mataas na antas at tungo sa ganap na kapakinabangan ng mga mamamayang Filipino, l-click para sa Tuntunin sa Ulirang Guro sa Filipino 2019
Gamitin ang template ng Curriculum Vitae kasama ang Pormularyo ng Paglahok.
Mga Tuntunin:
1) Bukas ang timpalak sa lahat ng gurong nagtuturo gamit ang wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa anumang asignatura/disiplina, mula elemetarya hanggang tersiyarya, maliban sa mga kawani ng KWF at mga direktor ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK), at kanilang mga kaanak hanggang ikalawang digri (degree).
2) Bukod sa indibidwal na aplikasyon, maaaring magpadala ng nominasyon ang mga Tagapamanihala ng Paaralan, Prinsipal, at Pangulo ng kolehiyo/unibersidad.
3) Ang mga aplikante ay kinakailangang magtaglay ng sumusunod na katangian:
a. May hawak na kaukulang lisensiya (LET para sa nasa antas sekundarya at elementarya, masterado o yunit sa MA para sa kolehiyo), full-time at may permanenteng istatus.
b. Nakapaglingkod nang tatlo (3) o higit pang taon bilang gurong nagtuturo gamit ang Filipino at kasalukuyang nagtuturo sa anumang antas ng edukasyon at may antas ng kahusayan (performance rating) na hindi bababa sa Very Satisfactory sa buong panahon ng paglilingkod.
c. May makabuluhang ambag sa mga saliksik pangwika at pangkultura ng rehiyon. (Bibigyan ng malaking puntos ang mga nagawang saliksik lalo na sa agham at ibang disiplina).
d. Nakapag-ambag sa pagpapalaganap at promosyon ng Wikang Filipino at/o mga wika at kultura sa larang ng pagtuturo sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng publikasyon, seminar, pagsasanay, palihan, at iba pang katulad na gawain.
e. Nanguna sa pagpapahalaga sa pamanang pangwika at pangkultura ng Filipinas kaagapay ng pagtataguyod at pagpapaunlad sa wikang Filipino.
f. Nanguna sa paggamit at pagpapalaganap ng Ortograpiyang Pambansa. (Minamarkahan batay sa paggamit ng Ortograpiyang Pambansa sa pagsulat ng saliksik at korespondensiya opisyal.)
g. Nakatanggap ng parangal at/o iba pang gawad kaugnay sa kaniyang propesyon (opsiyonal).
4) Para sa Paunang Pagpili (Preliminary Judging):
4.1) Maaaring magpasa ang paaralan/dibisyon ng higit sa isang nominasyon. Ang bawat nominado at aplikante ay kailangang magsumite ng sumusunod.
a. Pormularyo ng aplikasyon; at
b. Komprehensibong Curriculum Vitae. (Ang pormularyo 2019 at template ng CV 2019 ay maaaring madownload sa websayt ng KWF.)
4.2) Ang huling araw ng pagsusumite ng mga nominasyon/aplikasyon ay sa 1 Hulyo 2019.
Ipadala sa email adres kwfssg@gmail.com
o sa opisina ng KWF sa adres na
Lupon sa Ulirang Guro 2019 Komisyon sa Wikang Filipino
Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
1005 San Miguel, Maynila
o sa pinakamalapit na Sentro ng Wika at Kultura (SWK) sa inyong lugar.
5) Ang mapipili sa Pre-judging na susulatan ng KWF ay kailangan magsumite sa o bago ang 2 Agosto 2019 ng sumusunod:
5.1) Rekomendasyon mula sa immediate superior ng kaniyang paaralan na naglalahad ng sumusunod:
a. Katunayan ng kagalingan bflang guro sa Filipino o guro na gumagamit ng Filipino sa kaniyang pagtuturo na may makabansa at makataong kamalayan.
b. Katunayan ng No Pending Case at hindi naakusahan at napatunayang nagkasala sa anumang kasong administratibo, sibil, o kriminal.
5.2) Kopya ng isang taong Performance Rating na hindi bababa sa Very Satisfactory (VS).
5.3) Folio ng natanggap na gawad/pagkilala, kopya ng mga pananaliksik, publikasyon (aklat, journal, pahayagang pangkampus, atbp.) mga naisagawang seminar o palihan, at iba pang proyektong may kaugnayan sa wika at kultura.
5.4) Kung nagtuturo ng ibang asignatura o disiplina, ilakip ang mga patunay na nakapagtuturo gamit ang Filipino. Hal. modyul, banghay-aralin, silabus, pagsusulit, at iba pang kagamitang pampagtuturo nasusulat sa wikang Filipino.
Gawad KWF sa Sanaysay 2019
1) Ang Gawad KWF sa Sanaysay ay bukas sa lahat maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang kaanak.
2) Ang paksa ng sanaysay ay kaugnay sa tema ng Buwan ng Wika 2019 na Katutubong Wika: Tungo sa Isang Bansang Filipino. Maaaring pagtatalakay ito ng konsepto o resulta ng saliksik hinggil sa pagpalilinang ng mga katutubong wika ng Filipinas tungo sa pagkakaunawaan, pagkakaisa, at pagpapaunlad ng sambayanang Filipino.
3) Kailangang nasa wikang Filipino ang lahok, orihinal, hindi pa nailalathala, at hindi rin salin mula sa ibang wika. Marapat na hindi ito magkukulang sa 15 pahina at hindi rin sosobra sa 30 pahina.
4) Bilang saliksik, kailangang sumusunod ang paraan ng pagsulat nito sa mga tuntuning nakasaad sa KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat.
5) Ang lahok ay kailangang may apat (4) na kopyang makinilyado o kompiyuterisado (Font-12, Arial), doble espasyo, at may isang pulgadang palugit sa bawat gilid na nakaimprenta sa short bond paper na may laking 8 % x 11 pulgada. Ang soft copy ng lahok ay kailangang ilagay sa isang compact disc (CD).
6) Kinakailangang nagtataglay lamang ng sagisag-panulat (pen name) ang dokumento, soft copy man o nakaimprentang kopya.
7) Kasama ng ipapasang lahok ay isang isang selyadong No. 10 envelope na naglalaman ng hiwalay na pormularyo sa paglahok para sa buong detalye ng may-akda, dalawang retrato (2×2) ng kalahok, at maikling bionote.
8) Ipadala ang lahat ng kahingian sa:
Gawad KWF sa Sanaysay 2018
Komisyon sa Wikang Filipino
2F Watson Bldg., 1610 JP Laurel St.,
San Miguel, Manila 1005
9) Anumang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na maipaghahabol. Lahat ng lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok at angkin ng KWF ang karapatang mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa mga may-akda.
10) Ang mga gantimpala ay ang sumusunod:
Unang gantimpala: P30,000.00 at karangalang maging “Sanaysay ng Taon”
Pangalawang gantimpala: P20,000.00
Pangatlonggantimpala: P15,000.00
11) Hindi patatawarin ang sinumang mahuli at mapatunayang nagkasala ng plahiyo o pangongopya. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nito sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.
12) Hanggang 05 Hulyo 2019, 5:00 nh ang pagtanggap ng mga lahok. Hindi tatanggapin ang mga lahok na ipinasa sa email.
13) Para sa mga tanong, tumawag sa (02) 736- 2519 para sa karagdagang impormasyon.
KWF Gawad Julian Cruz Balmaseda 2020
Ukol sa Gawad:
Ang Gawad Julian Cruz Balmaseda ay ang pinakamataas na pagkilala na handog ng KWF para sa natatanging tesis at disertasyon sa agham, matematika, agham panlipunan, at iba pang kaugnay na larang gamit ang wikang Filipino.
Layunin nito na hikayatin at palaganapin, sa pamamagitan ng sistemang mga insentibo, grant, at gawad, ang pagsusulat at publikasyon sa Filipino at ibang mga wika ng Filipinas ng mga akdang orihinal, kabilang ang mga teksbuk at sangguniang materyales sa iba’t ibang disiplina.
May dalawang kategorya ang gawad: (1) tesis at (2) disertasyon. May isang magwawagi lamang sa bawat kategorya. Maaari ring walang tatanghaling magwawagi sa alinmang kategorya.
Nagsimula ang gawad noong 2015 at nakapagtala ng anim na nagwagi: Marlon S. Delupio, disertasyon sa kasaysayan (2015); Gilbert Macarandang, disertasyon sa agham pampolitika at Roman Sarmiento Jr., tesis sa kasaysayan (2016); Lovela Velasco, disertasyon sa panitikan, at Christian Javier Fajardo, tesis sa antropolohiya (2017); at Emmanuel De Leon, disertasyon sa pilosopiya (2018).
Makatatanggap ng halagang PHP100,000 (net) at isang plake ng pagkilala ang magwawagi sa mga kategorya ng naturang gawad. Lahat ng kopya ng mga lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok. Angkin ng KWF ang unang opsiyon na mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa may-akda.
Mga Tuntunin:
1) Ang gawad ay bukas sa lahat ng mga estudyante sa antas gradwado (masteral at doktorado), maliban sa mga empleado ng KWF at kanilang mga kaanak.
2) Ang ilalahok na tesis at/o disertasyon ay naipagtanggol at naipasa sa mga taong 2018 at 2019.
3) Kinakailangan itong isulat bilang kahingian sa mga kursong may kaugnayan sa agham, matematika, agham panlipunan, humanidades, at sa iba pang kaugnay na larang.
4) Kailangang orihinal na isinulat at ipinagtanggol sa Filipino ang lahok, orihinal na gawa ng may-akda, hindi pa nailalathala bilang aklat, at hindi rin salin mula sa ibang wika.
5) Marapat na gamitin ang KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat (MMP) bilang format sa pagsulat ng talababa, talasanggunian, at iba pa.
6) Ang lahok ay kailangang isumite nang apat (4) na limbag na kopyang makinilyado o computerized (hardcopy). Ang kopya ng mga lahok ay kinakailangang walang taglay na anumang pagkakakilanlan ng may-akda. Nangangahulugan ito ng pag-aalis ng mga preliminaryong pahina ng tesis at disertasyon na nagtataglay ng pagkakakilanlan ng may-akda. Tanging pamagat ng tesis/disertasyon at sagisag-panulat lamang ang pahihintulutang nakalimbag sa MS.
7) Ang mga preliminaryong pahina ng tesis/disertasyon, gaya ng katibayan ng pagsang-ayon, tungkol sa mananaliksik o bionote, pasasalamat, pag-aalay, pahina ng grado at ebalwasyon, at iba pang katulad ay ilalakip sa isang bukod na brown envelope, kasama ang sumusunod:
(a) curriculum vitae ng may-akda;
(b) KWF pormularyo ng paglahok;
(c) notaryadong awtentipikasyon ng lahok;
(d) notaryadong katibayan ng etikong pananaliksik (walang plahiyo) na nilagdaan ng tagapayo;
(e) rekomendasyon mula sa dalawang propesor sa kinabibilangang larangan;
(f) rekomendasyon mula sa tagapangulo ng kinabibilangang departamento;
(g) rekomendasyon mula sa dekano/a ng kinabibilangang kolehiyo; at
(h) dihital na kopya ng lahok na nasa isang compact disc (CD) o universal serial bus (USB).
8) Ang dokumentong ito ay nakalagay sa isang expanding envelope na may pangalan at adres ng kalahok. Ipadadala ang mga lahok sa:
Lupon sa Gawad Julian Cruz Balmaseda
c/o Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN)
2P Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel,
San Miguel, Maynila 1005
9) Ang huling araw ng pagsusumite ng mga lahok ay sa 11 Oktubre 2019, 5:00 nh. Para sa mga ipinadala sa pamamagitan ng koreo, tatanggapin lamang ng KWF ang mga lahok na nai-mail bago o sa nabanggit na petsa.