Home » DepEd Resources » DepEd ALS Online Enrollment Step-By-Step Guide, AF2 Form for SY 2020-2021

DepEd ALS Online Enrollment Step-By-Step Guide, AF2 Form for SY 2020-2021




Ang ALS enrollment ay karaniwang ginagawa nang personal o face-to-face sa DepEd Division Office, public schools at mga community learning center (CLC) sa mga barangay. Pero dahil sa pinatutupad na community quarantine dahil sa COVID19, at upang pangalagaan ang kalusugan ng ALS learners at teachers, tumatanggap na ang ALS teachers ng online at digital enrollment. Nagco-conduct na rin sila ng learning interventions o klase sa pamamagitan ng group chat, take-home activity sheets, radio-based instruction at iba pang flexible and distance learning delivery.

Para sa ALS teachers at mga nagnanais mag-enroll sa ALS ngayong panahon ng pandemya, narito ang inyong gabay para sa maayos at ligtas na enrollment ngayong SY 2020-2021.

DEPED ALS GABAY SA ENROLLMENT SA PANAHON NG COVID-19 FOR SCHOOL YEAR 2020-2021

PANGUNAHING BILIN NG DEPED

  1. Palaging isaalang-alang ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-eenroll at ng personnel.
  2. Ang malaking bahagi ng enrollment para sa SY 2020-2021 ay isasagawa remotely. Sa unang dalawang linggo ng enrollment ay mahigpit na ipagbabawal ang face-to-face interaction.
  3. Ang sinagutang ALS Form 2 ay isusumite ng enrollee sa pamamagitan ng email, social media at iba pang digital at online na paraan.
  4. Ang face-to-face submission ng ALS Form 2 sa mga paaralan o barangay hall ay ituturing na huling option at maaari lang gawin, kung talagang kailangan, sa ikatlong linggo ng enrollment.

ENROLLMENT FOCAL PERSON (EFP)

Maaaring makipag-ugnayan sa Regional ALS Focal Person ng lugar kung saan nais mag-enroll. Hanapin lang ang pangalan at email address dito: https://www.deped.gov.ph/als-contact-us/




Sila ang mag-aadvise sa iyo kung may available na ALS mobile teacher or implementer malapit sa inyo na tumatanggap ng enrollment online.

  1. Ang ALS teachers ang magsisilbing EFP at tatanggap ng mga tanong mula sa mga gusto mag-enroll sa ALS.
  2. Ang contact information ng mga EFP ay dapat nakapaskil sa mga lugar na madaling mababasa ng mga posibleng mag-enroll.

MGA PARAAN PARA KOLEKTAHIN ANG ENROLLMENT AND SURVEY DATA

HOTLINE/ONLINE (preferred/recommended)




  1. Tawag (landline o cellphone)
  2. SMS o text message
  3. Online (email, social media, atbp.)

ONSITE

  1. Anumang face-to-face interaction ay ituturing na huling option at dapat sumunod sa minimum health and safety standards.
  2. Ang pagpapamigay ng printed enrollment forms ay ico-coordinate sa local government units (LGUs).
  3. Maaari ring i-announce ang mga instruction tungkol sa submission ng ALS Form 2 sa pamamagitan ng lokal na radyo at TV, at social media.
  4. Para sa mga hindi makakapag-submit online ng enrollment form, magkakaroon ng mga booth o kiosk* na tatanggap nito sa mga lugar na madaling puntahan ng publiko (halimbawa: barangay hall).
  • Ise-set up ito ng mga paaralan sa pakikipagtulungan ng LGUs. Hindi kailangan na nasa paaralan ang booth/kiosk. Hindi rin kailangan na school personnel ang tatao rito.

Source: DepEd Order No. 8, series 2020 (Guidelines on Enrollment for School Year 2020-2021 in the Context of the Public Health Emergency Due to COVID-19)

PAALALA SA MGA GUSTO MAG-ENROLL SA ALS

Maaari makipag-ugnayan sa mga ALS mobile teacher sa pamamagitan ng online at onsite enrollment platforms na itatakda ng mga paaralan at community learning centers sa mga barangay.




Kumpletuhin ang ALS Form 2, base sa DepEd Order No. 58, series 2017. Libre ang form na ito at maaaring makuha na printed o i-download.

Maaaring i-download ang ALS Form 2 dito:

DepEd ALS Enrollment Form 2 (AF2)

ALS LITERACY MAPPING

Mula June 1 hanggang 2nd week ng August 2020, magsasagawa rin ang ALS teachers ng online at traditional literacy mapping gamit ang ALS Form 1; administration of assessment tools; enrollment ng ALS learners gamit ang ALS Form 2; at registration ng learners sa Learner Information System (LIS).

Maaaring makipag-ugnayan sa Regional ALS Focal Person ng lugar kung saan nais mag-enroll. Hanapin lang ang pangalan at email address dito: https://www.deped.gov.ph/als-contact-us/

Sila ang mag-aadvise sa iyo kung may available na ALS mobile teacher or implementer malapit sa inyo na tumatanggap ng enrollment online.

BASAHIN:

DepEd Learning Continuity Plan (LCP) for ALS

DepEd Alternative Learning System (ALS) Curriculum for School Year 2020-2021

DepEd Alternative Learning System (ALS) Learning Delivery Options for School Year 2020-2021

36 thoughts on “DepEd ALS Online Enrollment Step-By-Step Guide, AF2 Form for SY 2020-2021”

  1. Good morning po sir/ma’am paano po mag enroll online sa ALS? Nag fill up napo ako NG ganyang form sa school division office NG MUNTINLUPA CITY at sinubmit ko na may contact number ako dun untill now no update sakin Kung kailan start. Pano po mag enroll online ? Thank you asap

  2. Meriam bandivas

    Hellow po tanong ko lang. Pwede po mag ALS 24 years old and pano po mag enrolled online sir. Quezon city po. Salamat

  3. Sarah Delos Santos

    Hi good evening tanong ko lng po Sana kung paanu mag enroll online at kung meron po ba dtu sa Angeles city?? Thank you po sa sasagot

  4. Marivic Parola

    Good evening ask ko lang po paano po mag enroll online dito sa ALS . taga Tandang Sora Quezon city po ako.

Leave a Reply

Scroll to Top