Umupa ang barkada ng bangkang
Maglilibot sa amin sa mahigit isang daang isla sa Pangasinan,
Nakakatawang Lahat sila may kasama may katitigan
Samantalang ako kayakap na lamang ang bag na pinuno ng mga pamalit, nakatanga
Na lamang sa gandang inilaan ng kalikasan,
Oo!
Wala na tayo?
O wala na talagang excitement dahil nakapunta na ko dito…
Kabisado ko na ang hampas ng alon…
Ang pagkakahiwa-hiwalay ng mga isla sa bawat isa…
Kinanya na ng ilan at pinangalanan pa sa kanilang tinuran ang ipinahiram lang talaga sa atin ng nasa itaas…
Pero sa lahat ng ito ang hindi ko makabisado ay kung paano
Ako makakalaya sa paghampas mo sa pinagsamahan nating dalawa,
Langya… Dito pa rin pala papatak ang tulang ‘to, tungkol sa’yo, sa inyo! Sa atin!
Inangkin ka na ng iba, at dahil hindi kita pag-aari ako si tangang nagpaubaya…
Hanggang ngayon ikaw pa rin
Hanggang ngayon puso mo pa rin ang gustong galaan at lakbayin…
Pero lokohan lang kung ipagpapatuloy ko pa ang paggagala…
Magpaikot-ikot man ako’y sa simula pa rin ako babagsak, babalik, mag-uumpisa…
Pero gusto ko talagang magmura dahil hindi ko makabisa…
Basta eto na lang…
Ariin ka na nga sana niya hanggang sa dulo, huwag tumirik ang byahe sa gitna papalubog, papaupos…
Dahil sayang naman ang dating nilakbay ko…
Na siyang dahilan din kung bakit katulad ng tanawing ito!
Ang puso kö sa malayuan akala mo’y buong-buo…
Hiwa-hiwalay, Wasak-wasak kapag nilapitan mo
Hundred Islands
Sir Jhucel
3-6-2016
Basa: