Kategorya:
A. Malikhaing Pagsulat ng DAGLI at
B. Informance
A. Patnubay sa Paglahok
1. Malikhaing Pagsulat
A. Kalahok
- Bukas ang paligsahan sa mga mag-aaral mula sa Baitang 7 o Baitang 8
- Ang nararapat lumahok sa paligsahan ay yaong mga nanalo sa Panrehiyong Tagisan ng Talino sa Filipino 2015.
B. Panuntunan
- Ang tema ng susulating DAGLI ay ibibigay sa araw ng paligsahan.
- Ang malikhaing pagsulat ay tatagal ng dalawang (2) oras.
C. Pamantayan
a. Orihinalidad (40%)
b. Organisasyon (35%)
- Kasasalaminan ng kulturang/pagpapahalagang Pilipino
- May kawili-wiling panimula, gitna at pangwakas na bahagi
- May kaakibat malikhaing estilo ng pagsulat
- May kaangkupan sa tema, edad at interes ng target na mambabasa
c. Mekaniks (25%)
- Gumamit ng wastong bantas
- Gumamit ng wasto at angkop na salita
- Gumamit ng mga wastong tayutay, pahiwatig, simbolismo at iba pang elemento ng isang malikhaing akda
2. Informance (Pagbibigay ng Impormasyon sa Pamamagitan ng Pagtatanghal – Giving Information through Performance)
A. Mga Kalahok
- Bukas ang paligsahan sa mga mag-aaral mula sa Baitang 9 o Baitang 10.
- Ang nararapat lumahok sa paligsahan ay yaong mga nanalo sa Panrehiyong Tagisan ng Talino sa Filipino 2015.
- Ang bawat pangkat na kalahok ay binubuo ng apat na kasapi/mag-aaral at isang tagapayo/tagapagsanay.
B. Panuntunan
- Ang piyesa ay nagsusulong ng adbokasiya (Advocacy) tungkol sa pagpapataas ng global na kamalayan sa kahalagahan ng kultura (Global Awareness).
- May halong musikal o paawit ang pagtatanghal.
- Ang pagtatanghal ay hindi bababa sa labinlimang (15) minuto at hindi lalampas sa dalawampung (20) minuto.
C. Pamantayan
Iskrip – 40%
a. Orihinalidad
b. Kaangkupan sa tema
c. Makatotohanan
d. Taglay ang mga elemento ng isang iskrip
Pagtatanghal – 60%
a. Kasuotan at props
b. Naglalahad ng kultura ng bansa
c. Kilos o galaw ng mga tauhan
d. Tinig/musikalidad
e. Kasiningan/pagkamalikhain ng pagtatanbghal
f. Dating sa mga manonood
g. Walang tagpuan
Useful Links:
- 2016 National Festival of Talents (NFOT)
- Implementing Guidelines on the 2016 Technolympics
- Guidelines on the Conduct of the 2016 National Festival of Talents (NFOT)
- Guidelines on the 2016 National Population Quiz and the On-the-Spot Skills Exhibition on PopDev
- Guidelines on the 2016 Sining Tanghalan
- Guidelines on the 2016 Foreign Language Skills Showcase
Leave a Reply