Home » Buhay Guro » Social Networking Sites: Ang Mga Epekto Nito Sa Mga Mag-Aaral

Social Networking Sites: Ang Mga Epekto Nito Sa Mga Mag-Aaral

Facebook, Twitter, at Instagram. Marahil ay mayroon kang account sa isa sa mga nabanggit na social networking sites. Siguro ay hindi kumpleto ang iyong araw kapag hindi mo na-check ang iyong mga notifications sa iyong Facebook account, makapag-tweet sa Twitter, at makapag-post ng litrato sa Instagram. Ang mga social networking sites na ito ay bahagi na ng ating pangaraw-araw na pamumuhay at naging parte na rin ng kultura nating mga Pilipino. Sa paglipas ng panahon, ang mga ito na produkto ng teknolohiya ay tila lumukob na sa ating pagkatao.

Ikaw ba ay hindi nakakagawa ng takdang-aralin sapagkat inuuna mo pang bisitahin ang iyong facebook account para tingnan ang mga notifications? O dili kaya’y naaagaw ng Twitter at Instagram ang iyong oras sa halip na ilaan ito upang gumawa ng proyekto na kailangan mo nang ipasa kinabukasan? Ang mga social networking sites na ito ay may mga hindi magandang naidudulot sa mga mag-aaral na dapat pagtuunan ng pansin. Ang pagbaba ng marka sa mga asignatura ay isa sa mga masasamang dulot ng paggamit ng mga social networking sites na ito. Sa halip na mag-aral ang ilang estudyante, inilalaan nila ang kanilang oras sa pakikipag-chat sa kanilang kaibigan. Bilang epekto nito, sila ay nagka-cramming sapagkat ang mga araling hindi nila naaral ay kanilang pinagtutuusan ng pansin sa mismong oras ng klase. Ang iba nga ay nagpupuyat pa dahil hindi nila mapigilan ang palagiang pagbisita sa kanilang mga account. Ang resulta ay wala sila sa pokus habang sila ay nasa loob ng silid-aralan. Physically present but mentally absent, ang sabi nga nila. Ang kanilang mundo ay umiikot na lamang sa mga social networking sites na nagiging sanhi upang hindi nila magampanan ang kanilang mga obligasyon bilang mga mag-aaral. Maging ang kanilang aspetong pisikal ay lubos na naaapektuhan. Dati, ako ay namulat sa mga larong pinoy: may lata at tsinelas ka lang sa tumbang preso at pang-guhit sa harang-taga ay kumpleto na ang ang araw ko. Ang mga larong pinoy na ito ay tila nawawala na sa kasulukuyang panahon sapagkat sila ay sinupil na ng mga produkto ng teknolohiya na patuloy na pumapatok sa mga tao lalo na sa mga kabataan. Dahil dito, ang ilan sa mga kulturang Pilipino ay nabubura na sa ating makulay na kasaysayan. Ang aspetong sosyal rin nila ay nawawala na sapagkat hindi na nila mabigyan ng sapat na oras ang kanilang pamilya at kaibigan. Ang mga simpleng gawain tulad ng pagkain ay tila nalilimutan na rin ng ilan sapagkat ang iba ay nasa alapaap, pansamantalang kapiling ang kanilang mga “virtual” na kaibigan.

Sa kabilang dako, mayroon ding mga magagandang naidudulot ang mga social networking sites. Ang iba ay gumagawa ng group chat sa facebook. Ginagamit nila ito upang makapagtanong sa kanilang mga kaklase kung ano ang kanilang takdang-aralin kinabukasan. Maaari rin silang manghingi ng tulong sa isa’t isa sa paggawa ng mga takdaling-aralin na ito. Sa pamamagitan din ng group chat, nagagawa nilang makahingi ng lektyur sa kanilang mga kaklase at guro sa mas madaling paraan. Nalalaman din nila ang mga mahahalagang anunsyo na kailangan nilang malaman. Ang mga “applications” na maaaaring matagpuan at gamitin sa mga na nakapaloob sa mga ito ay malaki rin ang naitutulong upang madagdagan ang kanilang kaalaman. Sa mabilis na paglipas ng araw, mayroong mga bata ang hindi na nakakapanood ng balita sa telebisyon. Sa tulong ng mga social networking sites, maaari pa rin nilang malaman ang mga mahahalagang balita na nangyayari sa loob at labas ng bansa.

Ang pagsulpot ng mga social networking sites sa buhay ng mga mag-aaral ay parte na ng modernisasyon na siyang kailangan sa patuloy na pag-unlad ng bawat bansa. Ang maayos na paggamit ng mga social networking sites ay mahalaga upang makatulong ang mga ito sa lubos na pag-unlad ng ating mga mag-aaral. Maging responsable sa paggamit ng mga social networking sites. Nawa ay gamitin natin ang mga ito sa tamang paraan na kung saan ay hindi nasasakripisyo ang ating pag-aaral. Maaari nating gamitin ang mga ito upang mapataas ang ating mga marka sa iba’t ibang asignatura. Nakakabuti rin ang paggamit ng social networking sites sa mga mag-aaral ngunit kapag nasobrahan, ito ay labis na nakasasama sa kanilang pag-aaral. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga social networking sites na may tamang layunin at oras ay maiiwasan natin ang mga masasamang epekto na dulot nito.

Read:

  1. Sa Likod ng Telon
  2. Isang Tasa ng Pag-asa

Mark Kevin Gabriel Santos

Mark Kevin G. Santos is a licensed teacher. He is a science enthusiast. He placed 7th during the September 2012 Licensure Examination for Teachers – Secondary Level. He is currently teaching at Tabacao National High School in Talavera, Nueva Ecija.

11 thoughts on “Social Networking Sites: Ang Mga Epekto Nito Sa Mga Mag-Aaral”

    • Mark Kevin G. Santos is a licensed teacher. He is a science enthusiast. He placed 7th during the September 2012 Licensure Examination for Teachers – Secondary Level. He is currently teaching at Tabacao National High School in Talavera, Nueva Ecija.

      Reply
  1. good afternoon po, gusto ko po mag tanong kung ito lang ang nagiisang artikulo basi sa epekto ng social media sa magaaral? mayroon po kasi akong research at nagustuhan ko po ang iyong isinulat at magandang ang pinagmumulan nyo. salamat

    Reply

Leave a Comment

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.