Kapag ikaw ay isang guro, alam na… at automatic na nabubuhay tayo para patuloy na mag-aral. Patuloy tayong tumutuklas ng mga bagong kaalaman upang malinang pa ang kamalayan at para na rin sa mas epektibong pagtuturo sa loob ng silid aralan. Pero aminin natin minsan dumadating at hindi maiiwasan na mauubos tayo, mapapagod.. lalo na kapag ilang araw tapos maghapon pa ang mga lectures dahil nga tao lang tayo na may katawan, PERO… hindi sa lahat po ng oras ‘yan (alam ko naman) pakurot-kurot lang kumbaga, dahil kung napapadalas na eh, katamaran na ang tawag diyan… hehehehe. Sa huli pa rin ng araw mahalaga pa rin ang mga bagong kaaalaman na ating madadala. At…
Sa tuwing may seminars o meetings, pansin ko lang ha, na may iba’t ibang karakter tayong nabubuo at parang nasa isang teleserye ang venue. May drama, may aksyon, may comedy at may aral (pramis). Alam ko MINSAN isa ka sa mga sumusunod, kaya hanapin mo ang sarili mo at magnilay.
Table of Contents
1. The Hungry
Mahilig sa kutkutin, (mani, fish crackers, etc.) bukod sa notebook at ballpen puro na chichirya, kendi o anumang pagkain ang nasa bag, ‘kala mo laptop ang dala, siya ang pinakamalusog sa grupo, dahil mas nakakaconcentrate siya sa lecture kapag busog.
2. The Nerd
Punong-puno ang mga notes… kahit hindi maintindihan ang sulat, sila ‘yung laging pakinig na pakinig sa speaker ng seminar at madalas sila tuloy ang nag-eecho ng mga lecture sa kanilang mga cotitser. Saludo!
3. The Reporter
Ang pinakamaingay, laging kakwentuhan ang katabi lakas pang tumawa tapos may tapik pa sa balikat. Mas marami pang nailecture sa speaker in terms of buhay-buhay kaya wala ng naisusulat na notes eh, pag-uwi sila pa ‘yung pagod na pagod.
4. The Security
Shhhhhhh… tagasaway sa mga maiingay, laging pasulyap-sulyap sa likod, titingin sa maingay tapos ipapakita ang killer smile minsan naman nakakunot ang noo at iisa na ang linya ng kilay.
5. The Copycat
Sila ang mga medyo tamad magnotes kaya picture ng picture sa powerpoint presentation, puno na ang memory ng CP ng mga images ng lectures at minsan mismong notebook ng katabi ang pinipicturan… awra!
6. The Time keeper
Motto nya: Time is Gold. Laging nakatingin sa relo… mahilig pumwesto sa likod hindi sa takot siyang matawag, kundi para madali siyang makauwi dahil nga TIME na, minsan advance pa ang relo niya kaya may 10 minutes pa ang lecture ay wala na siya.
7. The Early Birds
Ang mga laging number one sa attendance at lagi ding number one sa uwian, kasama niya o kasabay niyang umuwi si Time Keeper.hehehe
8. The Silent Mode
Sa sobrang tahimik hindi mo makausap kahit matawag ng speaker, ayaw sumagot, nakasilent mode ang CP pati ang kanyang bibig, ayaw makipagparticipate sa seminar, mahiyain lang daw talaga si titser.
9. The Supervisor
May sariling buhay ang mga paa, hindi mapakali sa kanyang upuan. Kung magbobotohan ng president ay mananalo siya dahil lahat ng kakilala niya ay kanya na munang pupuntahan, kakamustahin bago ang seminar at maglilibot muna sa paligid. Friendly ‘tong titser na ‘to.
10. The Zombie
Parang zombie sa paggewang ng ulo dahil gusto nang matulog, daig pa ang adik sa antok, parang nagpapraktis ng pagpanaw, minsan sila ‘yung kaaway ng speaker, laging napupuna na sa likod lagi umuupo. Mahilig sa kape.
11. The Clearer
Laging may tanong, basta may maitanong lang kahit alam niya na ang sagot . Sila ‘yung kinatutuwaan ng mga speaker dahil nabubuhay ang discussion sa tulong nila, may iba na pasikat lang na nagtatanong dahil alam na nga ang sagot at MINSAN nauubos ang oras dahil sa kanila, Clear?
12. The Invisible
Wala sa likod… wala sa harap… nakalista ang pangalan o inilista ang pangalan pero wala sa seminar, sila ‘yung pinakamalaki ang ngiti kapag aakyat na sa stage at kukunin na ang certificate. Period.
Positibo o negatibo? Siguro meron talaga ano? Kung nakarelate ka kaguro okay lang ‘yun..kaway- kaway na lang! congrats pa rin! dahil ang mahalaga umattend ka! Hindi ka laging number 12 (ehem), at the end of the day sigurado akong may natutunan ka.
Panghuli. Para naman talaga sa atin ang mga ito, para maging maayos ang lahat, kasarap din naman kayang may matutunang bago, kaya kung ako sa ‘yo cotitser maupo ka na lagi sa unahan, buksan ang kwaderno… makinig… ngitian ang katabi at sabihing: “sabay tayo sa pag-uwe…” (ngiti)
Basa:
Photographer din. Panay kasi picture picture pang-MOV. Tapos ipopost sa FB “ATM attending seminar at blahh blahh blahh”
Copycat po aq diyan sir hehe