Table of Contents
I. Layunin
- Mahalin ka hanggang sa dulo at ligawan ka araw-araw
- Maipabatid sa’yo ang tunay na kahulugan ng pagmamahal
- Maipadama sa’yo ang tunay na nararamdaman dahil hindi lamang ito nakukuha sa mga salita
II. Paksang Aralin
Sanggunian: Batayang Aklat sa Pagmamahal, ph. 143-4ever
Kagamitan: Lapis at papel, Puso at Isip
Values: “Walang iba kundi Pag-mamahal”
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Tanda mo pa ba nang unang nagkatinginan ang ating mga mata? ‘yun din ang unang beses na nasabi kong ikaw na nga. Balikan natin ang nakaraan dahil dito tayo magtatagal sa mga ala-alang magsisilbing kasalukuyan at hinaharap.
2. Pagwawasto ng Takdang Aralin
Tayo nga ang itinakda ng tadhana, hindi na natin kailangan pa itong iwasto dahil alam natin sa sarili natin na kailangang walang sayangin na pagkakataon.
b. Panlinang na Gawain
1. Pangganyak
Anong kasunod ng I LOVE “T”? ‘yung sagot ang sasabihin ko sa’yo araw-araw… at dahil dito ang dami-dami ng pick up line kaya wala nakong maisip kundi ikaw. (Tugon ng guro: Mahusay, ‘yan nga ang pag-aaralan natin ngayong araw, hindi ko ‘to itinuro pero nakuha mo pa rin, I Love U…)
2. Paglalahad
Ikaw lang ang dahilan kung bakit ko nasulat ang mga ‘to, kaya hayaan mong ilahad ang mga bagay na dahilan kung bakit kita minahal ng buong-buo.
3. Pangkatang Gawain (Actually Tayo lang)
(Guro: Ano ba ang mga bagay na dapat tandaan bago natin simulan ang ating Gawain)
1. Makipagcooperate… dahil minahal mo ako mas mamahalin kita (magmahalan tayo)
2. Makinig sa mga salita at sundan ng wasto ang mga panuto
3. Sagutan ng wasto ang mga tanong (Mamahalin kita o mamahalin mo ako?)
4. Pag-uulat ng mga nakalap na impormasyon
Tayong dalawa lang… oo tayong dalawa nga lang sa unahan, hayaan na lang natin silang manood. Hindi natin alintana ang mga kumokontra kung tama o mali ba ang ating ginagawa dahil sa huli tayo pa rin sa huli ang magkasama.
5. Pagtatalakay
Hayaan mong ilahad ko sa pisara ang mga di pa malinaw na mga tanong… dahil sa sinagot mo na ‘ko simula pa nung una… kahit hindi na ko dapat pang magpaliwanag pa eh,, hindi pa rin ako mapapagod ipaliwanag ang mga bagay na nagustihan ko sa’yo, kahit ilang bote pa ang mapuno ko ng mga dahilan ikaw pa rin, at ikaw lang talaga…
6. Paglalahat
Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pagmamahal?
‘yun bang magpailalim na sa hirap, sa kutya o sa problema pero patuloy paring naniniwala, ‘yun bang alam nyo sa isa’t –isa na kayo na nga ngunit naghahanap pa rin ng kulang, ‘yung tanggapin na lamang ang lahat para lamang sa ikabubuti ng isa’t –isa o ‘itulak na lang ang sarili sa kanyang sistema at maniwala na lamang dahil pinili mo siyang makapiling sa kabila ng lahat (MAMILI KA…Pero ako hindi na mamimili dahil IKAW na ang aking pinili)
c. Paglalapat
Minsan lang tayo makakatagpo ng isang taong pupuno sa ‘ting mga kakulangan… nandyang nandiyan na pinakawalan pa natin, nandiyang nandiyan na pero hindi natin lubos na maunawaan ang kanilang halaga, Tanong: Naniniwala ka ba sa forever? (Joke lang) eto na talaga, bakit sa dami ng nanligaw sa’yo ako ang sinagot mo??? (‘yung sagot mo iintayin ko.)
IV. Pagtataya
Para sa mga bilang na may pagpipilian, piliin ang titik ng tamang sagot, gamitin muna ang puso sa pagkakataong ito at para naman sa walang pagpipilian sagutin ito ng buong isip saka padaluyin sa puso.
____1. Ano ang tunay na kahulugan ng Pagmamahal?
a. Ito ay walang kahulugang literal kundi nararamdaman
b. Walang katapusan hanggang sa katapusan
c. Ito ay nasa isip papunta sa puso hanggang sa pagtanda
d. Wala sa nabanggit
____2. Ikaw lang ang aking ________.
a. Mahal
b. Pinakamamahal
c. Mamahalin
d. Lahat ng Salita
____3. Kapag naririnig mo ang salitang “Mahal kita” anong naiisip mo o nararamdaman?
a. Kinikilig
b. Gusto ko ring ulitin
c. Nagiginhawahan
d. Medyo Corny
____4. Mahirap bang magmahal? Bakit madali?
____5. Mayroon ba talagang forever? Ipaliwanag ang iyong sagot in 143 words.
V. Takdang Aralin
Tayo nga ang nakatakda para sa isa’t isa… Kaya aralin nating palaging pagtagpuin ang mga sitwasyon kilig man ‘yan o problema, basta tayo lang dalawa hanggang sa dulo.. ito ang ating kasunduan.
Basa: