Home » Buhay Guro » Nag-iisa pa rin si Sir (Buod ng isang istoryang may Katapusan)

Nag-iisa pa rin si Sir (Buod ng isang istoryang may Katapusan)

Teacher: Juan! Bakit puro “magmahal” ang sagot mo sa exam???
Juan: Sir, kasi po, sabi ng Tatay, kahit kailan hindi po MALI ang MAGMAHAL…

Ang istoryang ito ay bahagi lamang ng marami, tuloy pa rin ang buhay… kahit ilang beses nang namamatay ang puso ko.

(College Days) May kaklase nga pala ako nung college, si Ma’am Cristelle Reyes, chinita, simple, magaling kumanta, walang arte sa madaling salita minahal ko siya. Sasabihin ko na sa huling party namin sa school ang hindi ko masabi-sabi sa kanya simula nung first year palang kami…, kaya kahit hindi ko gawain, at gawaing magbutas lang ng bangko tuwing party, huling taon ko na naman sa college kaya headbang kung headbang ang the moves ko sa sayawan at para magkaroon na rin ng lakas ng loob.

Hanggang sa …

Tumugtog ang kantang, “ohhhh, thinking about the hundred years…” ay! heaven ba yun? ‘Lam na. Tumayo lahat ang lalaki… pumunta lahat sila sa CR, syempre sumunod din ako, halo-halong course ang nasa loob. ANG BAHO! AMOY PAWIS!

Medyo dim na ang lights, paglabas namin. Hinanap ko si Cristelle, ayun may katext. Papunta na sana ako nang naunahan pa ako ni kolokoy (hindi ako nambubully) anak ng Leche plan, pasayaw na ako e! naunahan pa eh. Inantay ko na lang tuloy sila matapos, hanggang selos na lang ang naglalaro sa aking isipan. Ang tagal ng Sayaw, eh pano? Remix pala!!!. Matapos ang halos magteten minutes na sayaw nila ay inihatid naman ni kolokoy si Cristelle sa kanyang upunan, gentleman din naman pala hindi lang halata.

This is it, posit! Tinibayan ko na ang loob ko, nasa dugo ko na ang pusong mandirigma ni Lapu-Lapu, tatlong hakbang na lang… Dalawa… Isa… nakow! Tumugtog ang hip-hop beat ni DJ KOKI at nagwala na ang lahat, BASAG ANG PLANO. Kasabay na rin ‘yon ng pagsayaw ni Cristelle ng WALA-WALA moves. AWKKWARD.. HIHIHI… ako naman ang umupo. At nagbutas ulit ako ng bangko sabay post ng status sa FB. #foreveralone.

“kung magsasama ba ang panghalip na ikaw at ako, magiging tayo?” EWAN ko SAYO! Ngitian to the max na lang ang pagtingin ko kay Cristelle, parang nakahome run nga ako pero nasalo naman ng kalaban ang bola, hanggang dito na lang ang pagtingin ko sa kanya…

(after three years)

Nakapasa na din si Cristelle sa Board Exam. Teacher na din siya. Swerteng hindi na siya nakapag private at diretso public school na. Ganun pa rin sya! Ang ganda-ganda pa rin nya. Nakatingin nga ako ngayon sa profile picture nya oh! Oh ang ganda!

(katahimikan)

MAKALIPAS PA ANG ISANG TAON, aksidenteng napadpad ako sa paaralang pinagtuturuan ni Ma’am Cristelle. Tadhana na ata ito!. Kayat bago ako pumunta ay alam ko na ang aking gagawin, kailangang gawin ang pagiging pogi 101, ang wax sa buhok + shined shoes + plantsadong polo + kaunting powder dahil may hika = tindig mala ALJUR. Parang special halo-halong pakiramdam, sabay pagtulak ng puso at damdamin na sabihin na ang tunay na nararamdaman na aking tinago sa kanya sa loob ng maraming taon.

Eto na nga! NAT nga kasi ngayon kaya bawal ang eengot-engot, pinulong muna kami ni Madaam Principal sa kanyang napakagandang office, sabay pinainom ng kape at pinakain ng hot pandesal, parang bigtime ang bisita, we feel amazing everytime na darating ang NAT. Hindi ko pa rin nakikita si Cristelle. Excited pa ako sa pinakaexcited na batang kukuha ng exam noon. Pagkatapos, inihatid na kami ni Madaam, hindi pa kami nangangalhati sa daan ay… AYUN NA! (ladies and Gentlemen) Ayun na si CRISTELLE, umikli lang ang kanyang buhok (apple cut) pero yung diwata nyang mukha ganun na ganun pa rin.Sinalubong ko na kaaagad siya.

“HI! Ma’am,” Kamusta ka na?.. Wow muntik na nya akong hindi makilala, sabay kamot sa noo, tapos tingin mula ulo mukhang paa, este, hanggang paa! Tino??? Santino Ressurecsion??? “OY! Kamusta kana??? (sabay tapik sa balikat ko) ang bigat pa rin ng kamay ni Cristelle. Sumagot naman ako, “eto, teacher na rin?, ikaw teacher ka narin no??” obvious ba? (sabay tawa ) tawang nagbigay sa aking puso ng ngiti at pag-asa. Habang papunta kami sa kabilang building na pagkalayo-layo ay halos nag-usap kami ng walang humpay, hindi na namin namalayan ang oras, hindi ko na din namalayan na may nag-iintay pala sa aking mga kukuha ng NAT at late na ako ng kalahating oras. Ang saya kasi talaga kapag kapiling mo ang iyong pangarap.

Nang malapit na kami sa room ay bigla akong nagsalita, “mamaya may sasabihin ako sa iyo, Cristelle”, kumunot ulit ang noo niya, “anu ‘yon ?” mamaya na lang “sagot ko naman kaagad sa kanya, sasabihin ko na walang halong biro ang tunay kong nararamdaman.

At nang dumating na kami sa room, isang kabadtripan ang mangyayari.

“Good Morning! Ma’am de Jesus”

ano!!?? Sabi ko sa sarili ko. Parang narinig ni Ma’am ang bulong ko.

“Class paki ulit, may bisita kaya tayo ngayon! “Good Morning , Ma’am de Jesus! And Visitor” Mabuhay!… PATAY!, patay na ang puso ko, hindi ako nakahinga ng 10 seconds non, pinaulit niya pa ng isang beses,” May asawa ka na pala?” (habang naligid at nangingislap ang mga mata ko sa luha), “OO, last year lang ako ikinasal, kaw ba sir?, huwag mo sabihing single ka pa rin, baka tumanda kang binata niyan, HEHEHE” bumulong ulit ako sa sarili ko (“hindi nakakatawa, maam”). OO maam, single pa rin, may hinintay kasi ako. “AY! Hinihintay pala, ah ewan, darating din yan” (pampalubag na sagot ko sa sarili). Nagsalita si Cristelle saglit sa harapan, tapos ibinigay na nya sa akin ang mga bata. “Iwan nyo na ako mam, sanay naman akong mag-isa… este… ako na ang bahala sa mga bata”, ang sama-sama ng ng loob ko ‘nun.

Paglabas ni Cristelle, nakayuko akong pumunta kaagad sa CR tangan ang aking panyo. Naririnig ko na sa hangin ang kantang “Where Do Broken Hearts Go” at kasabay nito’y pinipilit kong tinatanggap ang katotohanan na imposible nang maging kame, dahil ang kami’y pinalitan na nang panghalip na SILA at ngayon narito parin ako nag-iisa.

Basa:

  1. Magmahal Ka ng Isang Guro
  2. Ano ang gagawin mo sa valentines day? A single question for single teachers…
  3. Alamat Kung Bakit Iisa lang ang Puso
  4. Nasaan na si Ma’am?
  5. Klase ng mga Titser kapag may Seminar

Jhucel Atienza del Rosario

He is the happiness ambassador of teacherPH, elementary teacher, creator of FaceBook Page: Ang Masayahing Guro, Artist @ GuhitPinas, Musikero kuno, komedyante sa gabi, adik sa kape... mangingibig. Follow him on Facebook.

3 thoughts on “Nag-iisa pa rin si Sir (Buod ng isang istoryang may Katapusan)”

Leave a Comment

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.