Home » Examinations » Licensure Examination for Teachers » Table of Specifications for Licensure Examination for Teachers (LET) » Page 4

Table of Specifications for Licensure Examination for Teachers (LET)

FILIPINO

1. PANITIKAN – 40%

1.1 Mabakas ang simu-simula at pag-unlad ng iba’t-ibang anyo ng panitikang Filipino sa iba’t-ibang panahon simula noong panahon ng bago dumating ang Kastila hanggang sa kasalukuyan (10%)
1.2 Makilala ang mga akdang pampanitikan at mga may-akda na kinatawan ng bawa’t panahon na nag-iwan ng tatak sa buhay na kapilipinuhan (10%)
1.3 Mabigyang-kahulugan ang paraan ng pamumuhay ng mga tao na ini lalarawan ng panitikan sa bawa’t panahon (10%)
1.4 Matukoy ang mga pagpapahalagang Pilipinong taglay ng mga akdang kinatawan ng bawa’t panahon na nararapat panatilihin (2%)
1.5 Masuri ang mga akdang batay sa mga pamantayan ng pagsusuri (6%)
1.6 Mapili at magamit ang mga uri at halimbawa ng panitikang pambatang angkop linangin sa mga kabataan (2%)

2. LINGGWISTIKA – 40%

2.1. Matalakay ang simula at pag-unlad ng wikang pambansa (10%)

2.1.1 Ebolusyon ng Surian ng Wikang Pambansa (2%)
2.1.2 Eboluyson ng alpabeto (4%)
2.1.3 Mga batas pangwika (4%)

2.2 Magamit ang mga batayang kaalaman sa linggwistika sa mabisang pagpapahayag (20%)

2.2.1 Masuri ang mga pangungusap ang mga pangungueap/sugnay/parirala/salita/pantig/titik (4%)
2.2.2 Magamit nang wasto ang mga salita/parirala sa pangungusap (4%)
2.2.3 Mabisang magamit ang mga matalinghagang pananalita/tayutay sa pakikipagtalastasan (4%)
2.2.4 Makilala at matalakay ang iba’t-ibang bahagi ng pahayagang pampaaralan bilang behikulo/komunikasyong pasulat (4%)

2.3 Magamit ang mga simulain sa pagsasaling-wika ng mga pangungusap/parirala/kasabihan (5%)

2.4 Mapili ang pinakamabisang halimbawa ng mga pangungusap sa pagpapahayag (5%)

3. PARAAN/PAMAMARAAN NG PAGTUTURO – (10%)

3.1 Masuri at magamit ang mga paraan ng pagtuturo ng Filipino bilang; una at pangalawang wika (5%)
3.2 Matukoy ang waastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang ng mga paraan ngpagtututro (5%)

4. PAGHAHANDA NG MGA KAGAMITANG PAMPAGTUTURO SA FILIPINO (10%)

4.1 Makilala at mapahalagagan ang iba’t-ibang uri ng kagamitan sa pagtuturo ng wikan at panitikan (2%)
4.2 Mapili at magamit nang wasto ang iba’t-ibang kagamitang panturo na angkop sa mga aralin sa iba’t-ibang baiting (4%)
4.3 Masuri ang mahuhusay na aytem ng pagsusulit at pagsasanay bilang kagamitang pamagtuturo sa wika at panitikan (4%)

Mark Anthony Llego

Mark Anthony Llego, a visionary from the Philippines, founded TeacherPH in October 2014 with a mission to transform the educational landscape. His platform has empowered thousands of Filipino teachers, providing them with crucial resources and a space for meaningful idea exchange, ultimately enhancing their instructional and supervisory capabilities. TeacherPH's influence extends far beyond its origins. Mark's insightful articles on education have garnered international attention, featuring on respected U.S. educational websites. Moreover, his work has become a valuable reference for researchers, contributing to the academic discourse on education.

11 thoughts on “Table of Specifications for Licensure Examination for Teachers (LET)”

    • Hi Sir, lahat po ng online reviewer sa teacherph ay may mga tamang sagot.. kailangan niyo lang pong tapusin yung exam para makita ito. Maraming Salamat!

      Reply

Leave a Comment

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.